CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron, ang Puerto Princesa City ay naglunsad ng mga proyekto at programang sumasaklaw sa lahat ng aspeto ng pag-unlad ng kabataan. Mula sa edukasyon hanggang sa sining, ang bawat inisyatibo ay naglalayong bigyang-lakas ang ating mga kabataan na maging aktibong bahagi ng lipunan.
Bumuo ng isang malakas na organisasyon – ang Apuradong Kabataan ng Puerto Princesa na humuhulma sa mga susunod na lider ng siyudad. Ang Youth Empowerment Program ay nag-aalok ng mga workshop sa liderato at entrepreneurship, naghahasa sa kakayahan ng mga kabataan upang maging mga kinatawan ng pagbabago. Sa pamamagitan ng mga scholarship programs, mas marami ang may pagkakataong makamit ang kanilang mga pangarap sa edukasyon, na nagbubukas ng pintuan sa mas maliwanag na kinabukasan.
Hindi lamang sa akademya; ang sports development initiatives ay nagbibigay ng plataporma para sa mga lokal na atleta upang ipakita ang kanilang talento. Ang mga sports leagues at tournaments ay nag-uugnay sa mga kabataan at nagtuturo ng teamwork at disiplina.
Maging ang pagsiguro na maipasa sa mga kabataan ang pagpapanatili ng pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Sila ang mga nagsisilbing malaking pundasyon ng isinasagawang environmental awareness programs na nagpapakitang kaisa ang mga kabataan sa pagsulong ng magandang planetang mundo.
Sa kabuuan, ang mga programang ito ay naglalayong bumuo ng mas masiglang komunidad. Sa sama-samang pagsisikap, nagiging mas matatag at mas handa ang ating mga kabataan para sa mga hamon ng hinaharap. Tara na’t sama-samang umunlad!
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |