CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, July 9 SP - Sa bisa ng Resolution No. 1177-2015 at 1178-2015 ay inaprubahan ng Sangguniang Panlugsod sa naganap nitong 105th regular na sesyon noong ika-anim ng Hulyo, taong kasalukuyan. Ang naturang resolusyon ay upang bigyan ng otorisasyon ang Punong Lungsod na pumasok sa isang kasunduan sa Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtatayo ng Negosyo Center o Shared Service Facility ng naturang ahensya. Ito ay bilang tugon sa Republic Act 10644 o mas kilala sa “Go Negosyo Act” sa tulong ng DTI, DOST, DOLE at TESDA.

 

            Sa pamamagitan ng naturang kasunduan ay maglalaan ng halagang P 831,000.00 ang Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa sa pamamagitan ng pagbibigay ng alokasyon ng lupa, dagdag pagpapagawa sa gusali at ilang mga makinang gagamitin sa naturang proyekto. Kabilang sa SSF ay ang Fish and Cashew Processing na syang magbibigay daan sa mga mamamayan ng Lungsod na nais mapayaman ang kaalaman sa tamang pagpoproseso ng isda at kasuy.

 

            Ang Department of Science and Technology ay naglaan naman ng halagang P943,000.00 para sa mga kagamitan at makinang gagamitin katulad ng packaging mahines. Samantala, ang DTI ay maglalaan sa kanilang bahagi ng halagang P943,000.00 at P500,000.00 mula sa community development program para sa naturang adhikain. Sa kasalukuyan ay naipagawa na ang gusaling gagamitin sa Barangay Sta. Lourdes at mga pasilidad nito. Ang naturang proyekto ay may kabuuang halagang P2,431,000.00.

 

            Ang naturang mga resolusyon ay iniakda ng Committee on Trade, Commerce and Industry, sa pamumuno ng Committee Chairman nitong si Kagalang-galang Eleutherius L. Edualino. Ayon kay Konsehal Edualino, “Ang naturang proyekto at kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa at DTI ay napakalaking pagkakataon para sa mga mabibigyan ng benepisyo nito upang mas lalong mapagyaman ang kakayahan ng mga taga-Lungsod sa industriya ng pagpoproseso   upang maipagmalaki sa mga dumadayong bisita kung kaya buo ang suporta ng Sanggunian sa kasunduang ito.”

 

            

Article Type: 
Categories: