CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Itinakdang National Peace Consciousness month ang buwan ng setyembre taon-taon para sa sama-samang pagpapatunay sa kahalagahan ng isinusulong na national peace agenda ng pamahalaan.Tema para ngayong taon ay “Una sa lahat Kapayapaan: Putting the Peace Agenda at the forefront.”
Patuloy na isinusulong ng pamahalaan ang mga pamamaraan tungo sa pagkamit ng katahimikan sa buong bansa para sa kapakanan ng mas nakakaraming mamayan. Apektado ng maraming uri ng kaguluhan ang ekonomiya ng bansa, imahe nito, kabuhayan ng mamamayan, isipan at kinabukasan ng mga bata. Hindi ito makakamit sa madaliang paraan at hinihimok ang lahat na maging kabahagi sa pagsulong ng kapayapaan.
Kaugnay nito ang lahat ng ahensiya ng gobyerno ay hinihimok na makiisa at manguna sa mga gawaing makakapag-pagunita ng kahalagahan ng kapayapaan at magtuturo ng mga kaparaan para maabot at mapanatili ito. Kabilang sa mga gawaing ito ang paglalagay ng streamer, pagdarasal ng harmony prayer at pag-awit ng peace song at pagbibigay ng mensaheng pangkapayapaan mula sa mga head of office tuwing flag raising ceremony. Magsasagawa din ng lecture may kaugnayan sa komprehensibong proseso ng kapayapaan at kultura ng katahimikan, medical at dental mission at iba pang mga gawaing may kaugnayan dito.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |