CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Tinanghal na Ms. Puerto Princesa 2015 si Sandrine Stoelzaed ng Barangay Maunlad sa coronation night ng patimpalak sa City Coliseum noong March 3, 2015.  Ang beauty pageant ay isa sa mga inabangan sa pagdiriwang ng 143 taon ng pagkakatatag ng Lungsod ng Puerto Princesa at ika-11 Balayong Festival.

Si Ms. Stoelzaed ay pangatlo sa mga kinatawan ng Barangay Maunlad, kasunod ni Liezl Sangalang noong 2002 at Nikka Amiel Dedicatoria noong 2005.

Tuluyang naagaw ng pansin ng half-belgian ang atensiyon ng mga hurado sa final question na, kung ikaw ay magwawaging ms puerto princesa 2015 paano mo isusulong sa mga tao ang syudad?

Ani Ms. Stoelzaed, bilang international flight attendant maipo-promote niya ito sa paraang word-by-mouth. Aniya, ikukwento niya sa mga pasahero kung gaano kaganda ang lungsod.  Kanyang sasabihin ang mga magagandang tanawin na makikita dito.  Dagdag pa niya, maari rin niya itong i-promote sa pamamagitan ng social media. 

Si Rejhine Diaz, Ms. Puerto Princesa 2014, ang nagpasa ng korona sa matalinong mestisa.

Maliban sa titulo panalo rin ng mga special awards si Ms. Stoelzaed tulad ng, Ms Cebuana Lhullier, Ms Ritemed, Ms Camella Choice Award, Ms. Palmanis of the Year, Best in Swimsuit, Best in Casual Wear at Ms Photogenic.

 1st runner-up, Ms Talent, Ms Cebuana Pera Padala at Ms Ala amid  si Marie Alyssa dela Cruz ng Bagong Sikat.  2nd runner-up si Mary Justine Anne Lucero ng San Jose.

3rd runner-up, Ms Puerto Vista at Ms Regatta Bay si Antoinette de Peralta ng San Pedro at 4th runner-up si Micah Bentiroso ng Tagburos.

Ang mga awardees, Ms Micro Insurance, Diana May Ramos ng San Pedro, Best in Evening gown, Venus Johnson ng Bancao-bancao at Ms Congeniality, Catherine Sintik ng Bagong Silang.

Kasama sa top 9 sina, Princess Noreen Magundayao ng Bgy. Maligaya, Jonafe Dalabajan ng San Manuel at Jenn Rausa ng Montible. Ang bumuo sa 15 official candidates ay sina, Sunshine Valdez ng Sicsican, Mary Margarette Españo ng Bgy. Salvacion, Kathlynmae Tanabe ng Bgy. Tiniguiban at Jonawinn Elizabeth Flores ng Bgy. Sicsican.

Kasama sa mga hurado si Ms Grand International 2013 3rd runner-up Alie Forbes at City Administrator Atty. Elena Vergara-Rodriguez.  Nagsilbing host naman sina Andrew Asuncion at Fil-Norwegian Mutya ng Pilipinas International 2007 at Ms Norway-Universe 2007 Kirby Ann Basken.

Nagsilbing panauhing pandangal ang bise-alkalde ng syudad ng Maynila si Hon. Isko Moreno.

Ang Ms Puerto Princesa 2015 ay hatid ng Apuradong Administrasyon ni Mayor Lucilo R. Bayron at ni Ms. Judith Raine Manuel ng Oplan Linis.

 

Article Type: 
Categories: