CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Naipamahagi na noong Hunyo a-2, 2009 sa mga relocatees mula sa Sitio Manabori at Tarunayan ang mga lupang kanilang malilipatan sa Bgy. Bahile. Apatnaput lima (45) sa mga ito ay ililipat sa Palay Lot sa Sitio Omalagen ng nasabing barangay habang ang 6 ay ililipat naman sa Javarez Lot na malapit sa pier ng Bgy. Bahile. Mahigit sa 1.1 hektaryang kabuuan ng lupain ang inilaan ng lokal na pamahalaan para dito.
Ang mga relocatees ay ang mga mangingisda na nakatira sa bahaging marine sanctuary sa sitio Tarunayan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit binibigyang proteksiyon ang lugar upang mapag-ingatan ang mga magagandang korales na siyang itlogan ng mga isda at tirahan iba’t-ibang yamang dagat
Karamihan sa mga mangingisda ay kusa nang giniba ang kani-kanilang mga bahay upang lumipat. Lumalabas na rin sila sa laot kung mangingisda upang hindi mabulabog ang kanlungan sa Tarunayan. Ayon kay Mayor Edward S. Hagedorn, bibigyan ang mga ito ng ayuda upang matulungan sa gastusin sa muling pagtatayo ng bahay gaya ng mga ipinaabot sa mga iba pang mga relocatees ng mga housing projects ng lungsod.
Sa kasalukuyan inihahanda na ng City Housing ang mga kinakailangang dokumento upang maibigay na ang mga lupain sa mga nasabing benepisyaryo
Kasama ng mga kawani mula sa City Housing sa pagsasagawa ng “draw lots” ang mga taga-Anti Squatting Program, KAAC , Kapitan Carlos Quirante, mga kagawad ng barangay at mga benepisyaryo.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |