CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Malugod ang pagsuporta ng pamunuan ni Mayor Lucilo R. Bayron sa pagdiriwang ng “World Donor Day” na ginanap sa Puerto Princesa noong Hunyo 14, 2015. Ang mga kawani ng City Health Office ay isa sa mga naging punong abala sa isang simple ngunit makabuluhan programa sa paglilipat ng sulo mula Romblon Provincial Blood Council patungo sa Palawan Blood Council na sinimula sa pamamagitan ng isang “Advocary Run.” Ang tema ngayong taon ay “ Salamat sa Pagsagip mo ng Aming Buhay” (“ Thank you for saving our lives”)
Sa mensahe ni Bb. Trina Alejandra Firmalo – pangulo ng Romblon Blood Council kanyang binigyang diin ang kahalagan ng dugong ibinibigay ng mga boluntaryo . Aniya , “karamihan sa mga naililigtas nito ay ang buhay ng mga batang nasa edad na 5 limang taon gulang na maysakit o nadisgrasya.” Buong puso namang tinanggap ni Bise Gobernador Victorino Dennis Socrates ang responsibilidad na manguna sa pagpapalagap ng boluntaryong pagbibigay ng dugo sa rehiyon ng MIMAROPA. Sinaksihan ito ni DOH Asst. Secretary Dr. Paulyn Jean R. Ubial, Dr. Dean Palanca ng City Health at Dr. Eduardo Cruz ng Palawan Health Office at Mr. Victor de Leon ng Philippine National Red Cross-Palawan. Nandoon din ang mga sundalo sa iba’t-ibang yunit ng Western Command, mga kawani mula sa tanggapan ng Provincial Health, kapulisan, mag-aaral at mga pribadong samahan.
Sinundan ito ng “Blood Letting Activities” sa City Coliseum kung saan nagkaroon ng paligsahan sa “First Aid” ang mga grupo na mula sa Disaster Risk Reduction ng mga munisipyo habang ang mga bolunter ay kinukunan ng dugo.
Isa namang “motorcade” ang isinagawa sa kabayanan noong bandang hapon bilang bahagi ng pagpapalaganap ng kamalayan sa kahalagahan “Blood Donation”.
Ang World Blood Donor Day tuwing Hunyo 14 ay kaalisabay sa kaarawan ni Karl Landsteiner. Isa siyang siyentipikong nakadiskubre ng sistemang pagkakakilanlan ng dugong A, B, C.(amie bonales)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |