CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Oct. 28 CIO - Kinilala ang Lungsod ng Puerto Princesa bilang Best Performing City ng City Leadership and Governance Program(CLGP) sa mabilis at masigasig na pagtugon ni Mayor Lucilo Bayron sa usapin ng kalusugan partikular sa maternal and child health program.
Ayon kay Jescer Cresencio ng Zuellig Family Foundation, mabilis ang naging tugon ng alkalde sa health issues sa lungsod higit sa maternal death. Maraming paraan ang ginawa sa pamamagitan ng City Health Office upang mapigilan ang pagtaas ng bilang ng namamatay sa panganganak. “Systematic” ang naging “approach” ng city leadership na pinapurihan din ng UNICEF at tinawag pa na “the shining star of CLGP” ang lungsod.
Ang City Leadership and Governance Program(CLGP) ay multi-partnership program na binubuo ng UNICEF, Zuellig Family Foundation at Department of Health at ipinatutupad sa loob ng isang taon at kalahati sa 6 na pilot cities nito. Kabilang dito ang Davao, Pasay, Quezon City, Zamboanga, Cotabato at Puerto Princesa. Sa loob ng isa’t kalahating taon ang mga pilot cities ay sumailaim sa training at 6 na buwang practicum na magpapakita ng pagbabago sa programang pang-kalusugan. Tanging technical assistance ang ayuda ng CLGP sa Puerto Princesa at ang pagtatrabaho nito ay isinakatuparan ng City Health Office.
Ngayon ay mayroon ng health road map ang lungsod na siyang magpapakita ng health situation sa lungsod at siya ding basehan ng direksiyon upang tugunan ito. Sa pamamagitan nito ay inaasahang ang higit na pagbabago sa buhay ng mga mamayan sa lungsod at maramdaman na seryoso si Mayor Lucilo Bayron na tugunan ang pang-kalusugang pangangailangan ng residente ng Puerto Princesa.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |