CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Ligtas ng kainin ang shellfish at mga lamang dagat na makukuha sa Puerto Princesa Bay, matapos na ibaba ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang shellfish ban dahilan sa red tide.

 

Sa inilabas na advisory ng BFAR nitong Nobyembre 18, negatibo na ang Puerto Princesa Bay sa Paralytic Shellfish Poison na nagre-resulta sa red tide toxin matapos ang kumuha ng samples sa karagatang sakop ng Puerto Princesa Bay sa loob ng tatlong linggong magkakasunod.

 

Kaugnay nito ay muling pinapayagang manguha, magdala, itinda at kumain ng shells at alamang ang mga residente ng lungsod. Bagaman patuloy ang pagbabantay at pagkuha ng sample sa kabuoan ng Puerto Princesa Bay upang masigurong patuloy na ligtas ito sa red tide toxin at upang mapangalagaan ang industriya ng shellfish.

 

 

Article Type: 
Categories: