CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, July 31 CIO - Ginanap ang Budget Forum noong July 20, 2015 sa Conference Room sa City Hall Complex sa harap ng mga kinatawan ng iba’t-ibang departamento ng Pamahalaang Lungsod. Malinaw na isinalarawan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang mukha ng Lungsod ng Puerto Princesa sa 2016 sa pamamagitan ng mga proyektong nais niyang maisakatuparan.

 

Naunang nagsalita sa budget forum si Ms. Regina S. Cantillo, Budget Officer ng Lungsod at nagpaliwanag tungkol sa objectives ng 2016 Budget na dapat ay sang-ayon sa Approved City Development and Investment Plan at tumutugon sa Millennium Development Goals, Local Government Code of 1991 at ng Local Budget Memo Circular No. 70 dated June 15, 2015.

 

Sinundan ito ng pagtalakay ni Ms. Corazon A. Abayari, City Treasurer tungkol sa mga fiscal policies na dapat sundin ng lungsod na ipatutupad sa paggawa ng 2016 Budget. Ipinagmalaki din ni Treasurer Abayari ang 75% collection ng tanggapan kung ikukumpara sa nakalipas na taon sa pakikipagtulungan ng City Assessor’s Office. Inaasahan na malalampasan pa ang collection target ngayong taon.

 

Ipinaliwanag naman ni Atty. Elena V. Rodriguez, City Administrator ng lungsod ang mahahalagang proyektong nais isulong ng lungsod na may kinalaman sa joint-venture/ private-public partnership para sa Sanitary landfill project ng Integrated Green Technology (IGT), Baywalk, Integrated Fishport, USAID/CDI, i4j at iba pa.

 

Ilan sa mga mahahalagang proyekto na nais isulong at bigyan diin ni Mayor Bayron na tiyak na magdadala ng ibayong kaunlaran ay ang mga sumusunod na may kinalaman sa:

 

  1. TOURISM- pagdevelop ng ibang tourism sites sa timog na bahagi ng lungsod tulad ng : hotspring, ocean park, acacia tree tunnel, firefly watching, tagbarungis city beach na kung tawagin ay “ Southern Package Tour”
  1. Dagdag turista din ang hanagd ng Punong Lungsod sa pagdevelop ng Baywalk area na pagtatayuan ng RESTOBAR District na mayroon dalawang malalaking gusali.
  2. Pagsasaayos ng Mendoza Park at mga Heritage Sites.
  3. Ang pagtatayo ng New Public Market sa Baywalk na may dalawang palapag na gusali, maaliwalas, malinis at may parking area para sa mahigit 200 sasakyan
  4. Ang paglalagay pa ng maraming streetlights sa lungsod sang-ayon sa electrical master plan.
  5. Alternate traffic route development. Paglalagay ng four-lane street sa Baywalk at Skyway na magdudugtong sa Bgy. Mandaragat at Abanico, San Pedro
  6. Reclamation project na gagawin sa Bgy. Tagburos, Abanico at Bgy. Pag-asa.
  7. Environmental Estate Development – pagtatayuan ng Golf Course

 

  1. AGRICULTURE- pagtatayo ng Bagsakan sa Barangay Irawan sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan
  1. Pagbubukas ng farm-to-market roads (FMR) sa Bgy. Langogan, Bgy. Maruyugon to Buenavista, SItio Bualbualan to mother tree sa Bgy. Simpokan
  2. Pagdedevelop ng agri-fisheries projects para sa sapat na supply ng yamang-dagat.
  3. Pagtatayo ng integrated fishport project sa Bgy. Sta. Lucia.

 

 

  1. OTHERS: Iba pang pagtutuunan ng pansin:
  1. Pagpapatuloy ng Care-services program para sa mga senior citizens, educational assistance, persons with disability, GAD.
  2. Pagpapatuloy ng clustering project sa mga barangay
  3. Problema sa libingang bayan (public cemetery)
  4. Pagtututok sa problema sa tubig
  5. Pagtataas ng sahod ng mga kawani ng lungsod (Casual)
  6. Peace and order

 

 

“We go for the stars, let us dream high and let us work as a team”, wika ni Mayor Bayron na umani ng paghanga at masigabong palakpalakan mula sa mga dumalo.(cio)

 

Article Type: 
Categories: