CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Aug. 04 CIO - Naging matagumpay ang limang (5) araw na Culinary Showdown na kauna-unahang idinaos dito sa Lungsod ng Puerto Princesa. Ito ay bilang pakikiisa na rin ng Pamahalaang Lungsod sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon.
“Binigyan natin ng pagkilala at prioridad ang talento sa pagluluto at pagpe-prepara ng pagkain dahil kaakibat ito ng pag-unlad ng turismo. Lahat ng mga turista na dumadayo sa lugar ay hindi lamang pumunta sa magagandang tanawin, atraksyon din ang masarap na pagkain na inihahain sa mga ito sa mga restaurants na kanilang pinupuntahan.” Ito ang positibong pananaw naman ni Mayor Lucilo R. Bayron.
Sa unang araw ay binigyang pansin ang talento ng mga batang mag-aaral mula sa mga eskwelahan dito sa lungsod. Sa Culinary Showdown Kids Division ay nanguna ang Kids World Learning Center; sinundan ng F. Ubay Elementary School at pumangatlo naman ang Puerto Princesa Pilot Elementary School (Team Chikay). Sa Junior Division naman, ito ay kinabibilangan ng kabataan na nag-eedad 14 hanggang 18 taong gulang. Nasa ikatlong pwesto ang Palawan State University Team Kreema; pumangalawa ang PPC Scholars at nag kampeon naman ang Holy Trinity University students.
Sa ikawalang araw ay nagkaroon ng Cooking Relay --- The Battles at The Battles --- Department Level. Kalahok dito ang mga regular na empleyado ng Pamahalaang Lungsod. Nanguna ang grupo ng PPCGEA officers at BOD’s sa Cooking Relay at ang Team CIO naman ang nag kampeon sa Department Level --- The Battles. Maging ang City Tourism Department ay nag kampeon din sa Department Level noong ikatlong araw.
Sa Culinary Showdown sa pagitan ng Eatery Level at Professional Level, nanguna ang Starapple Canteen at ang Senordamla.
Nagkaroon naman ng Championship Round noong ika-apat na araw kung saan ang lahat na nanguna sa iba’t ibang kategorya ang nagkatunggali sa pagalingan ng pagluto ng kani-kanilang mga putahe. Naging panauhing hurado sina Chef Lao at Chef Jac mula pa sa Kamaynilaan.
Sa mensahe na ibinahagi ni Chef Lao, iniwan nito ang mga katagang: “Cook from the heart. Isipin ninyo na ang pinapakain ninyo ay ang mga pamilya ninyo.” Binigyan din nito ng tip ang mga kalahok: “put your best dish forward. Lutuin at ihanda ninyo ang mga pagkain na para sa inyo ay ang pinakamasarap na pagkain na maari ninyong ihanda.”
Narito ang talaan ng mga nanalo ng Puerto Princesa 1st Culinary Showdown: Kampeon: Señordamla mula sa Professional Level na nagkamit naman ng halagang limampung libong piso (P50,000.00).
Bukod sa tagisan sa pagluluto, nagkaroon din sa huling araw ng Lamayo Deboning Challenge, Lamayo Challenge at Best of Lamayo Cooking.
Inaasahan na sa susunod na taon ay mapapalawak pa ang at mas marami pang kalahok at kategorya ang Culinary Showdown na ito sa lungsod.(lyn)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |