CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

       Magagaling na mga kabataang bumubuo ng Philippine Training Pool sa larong volleyball ang dumating sa ating lungsod  sa nitong April 25-26, 2015.  Ang nasabing grupo ay katumbas ng Gilas Pilipinas sa larangan naman ng basketbol. Ito ang napag-alaman mula kay Dodie Viray – City Sports Coordinator.  Sa katunayan ang pagdating ng grupo ay dapat noon pang huling linggo ng Marso inaasahan.

 

      Nakakita na ba kayo ng pinay volleyball players at magkapatid pa na ang taas ay 6’9” at 6’5”? Ito na ang tamang panahon para makita sila sa City Coliseum.

 

     Dalawang teams ang dumating sa ating lungsod sa unang araw, April 25th at nagkakaroon ng volleyball clinic sa buong araw. Ginanap naman ang exhibition games sa hapon ng April 26th laban sa mga piling manlalaro mula sa lungsod.  Ang team ng mga kalalakihan ay kilala sa tawag na BAGWIS TEAM samantalang  AMIHAN TEAM naman ang mga manlalarong kababaihan.

 

     Lahat ay inaanyayahang makilahok sa libreng volleyball clinic at manood ng exhibition games.  Inaasahanang sa pamamagitan ng gagawing clinic  at laro ay lalo pang mahihikayat ang mga kabataan na mahumaling sa larong ito tulad ng pagkahilig sa numero unong laro ng basketbol.

 

     Ang pagdalaw ng mga manlalaro sa ating siyudad ay sa kagandahang loob at bahagi ng ginagawa ng PLDT HOME ULTERA INSTALL PATROL NATIONWIDE TOUR sa pakikipagtulungan ng Apuradong Administrayon ni Mayor Lucilo R. Bayron.

 

 

Article Type: 
Categories: