CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, November 9 CIO - Inaprobahan na ng 14th Sangguniang Panglunsod ang pagpapatupad ng Ordinansa Bilang 696. Ito ay nagtatakda na kinakailangan bayaran ang mga buwanang sweldo ng mga empleyado ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa na mga kontrakwal at job order tuwing katapusan ng bawat buwan na hindi naman dapat lalampas sa a-kinse ng susunod na buwan.
Ang ordinansa ay iniakda ni Kgd. PETER Q. MARISTELA upang maiwasan na ang hindi regular na pagbabayad ng buwanang sweldo ng mga nabanggit na mga empleyado. Ang ganitong kalakaran ay karaniwang nauuwi sa pangungutang na may mataas na interes. May pagkakataon pa na nahuhuli ng isa hanggang dalawang buwan ang pagbayad ng mga sahod. Nagreresulta ito sa malaking pahirap sa pinansiyal na pangangailangan ng mga manggagawa.
Ibinigay ang kapangyarihan at responsibilidad sa Tanggapan ng Panlungsod na Ingat-Yaman na siyang magrerepaso sa mga batas at regulasyon upang makapagbalangkas ng bagong talakdaan para maisakatuparan ang mabilis na proseso sa pagpapatakbo ng mga kinakailangan dokumentong sa pagpapasweldo.(amie)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |