CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Sa susunod na 3 hanggang 4 na linggo ay masasaksihan at mararanasan sa PuertoPrincesa ang pagpapadaloy ng enerhiya sa bagong City Hall sa pamamagitan ng solar panel system.
Ito ang masayang ibinalita ni City Mayor Lucilo R. Bayron sa lingguhang media forum na dinadaluhan ng mga local na mamamahayag sa lungsod.
Sa kasalukuyan ay ikinakabit ng VIS SOLIS Philippines, Inc., isang American company na rehistrado sa Pilipinas, ang 300 solar panels sa rooftop ng gusaling-lungsod na makakalikha ng 100,000 kilowatt hour sa loob ng isang taon upang serbisyuhan ang pangangailangan ng serbisyo ng kuryente ng main building.
Ipinaliwanag ni Mayor Bayron na sa ilalim ng proyektong ito ay makatitipid ang pamahalaang lungsod ng P1-milyon bawat taon sapagkat walang babayaran sa instalasyon ng mga panel bukod sa halaga lamang ng maku-konsumong elektrisidad na P8.10 bawat kilowatt.
Ayon sa alkalde, bagama’t walang gagamiting baterya, ang enerhiya mula sa araw ay kukunin ng solar panels patungo sa system ng City Hall at sa pamamagitan ng TV monitor ay masusubaybayan ang konsumo ng elektrisidad na nagmumula sa solar panels at Paleco.
Sinabi ng alkalde na ang buhay ng proyektong ito ay may itatagal na mula 30 hanggang 35 taon. Saloob ng 20 taon ay magbabayad ang pamahalaang lungsod sa kompanya ng P8.10 lamangbawat kilowatt, higit na mababa kaysa sa sinisingil ng Paleco. Idinugtong ng alkalde na pagkaraan ng 20 taon ay pag-aari na ito ng pamahalaang lungsod.
Bukod dito, dugtong ni Mayor Bayron, ang proyekto ay makatutulong din ng malaki sa pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan dahil higit na mababa ang konsumo nito sa diesel o kaya ay bunker oil.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |