CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, June 18 CIO - Hiniling ni Mayor Lucilo R. Bayron sa Sangguniang Panlungsod ang mabilisang pag-apruba sa inihaing 2015 Supplemental Budget na nagkakahalaga ng P595-M. Bagamat ito’y matagal ng inaasahan ng Punong Lungsod, subalit ito’y hindi pa naaprubahan. Hindi naitago ng Punong Lungsod ang kalungkutan sa pagka-antala at di pagtalakay nito sa huling sesyon nito kahapon, June 15, 2015.
Inaasahan ang pagkaka-apruba nito ay tutugon sa maraming pangangailangan at kaunlaran sa ating siyudad lalo na’t parating na ang tag-ulan at upang matugunan ang mga karaingan ng ating mga kababayan.
Ang P595-M Supplemental Budget ay mula sa P540-M Loan mula sa LBP- P48-M unappropriated budget sa 2015 at increase sa City IRA na P7M na pupunta sa mga mahahalagang proyekto:
Ø P 300 M- Para sa heavy equipments.
Ø P 150 M- Para sa New Public Market sa Bgy. Matahimik.
Ø P 90 M- Para sa improvement ng baywalk area.
Ø P 55 M- Para sa Bgy. Infra Projects, Concreting of roads, lighting,
garbage bins, financial assistance to fire victims, and tourism
promotion.
Total P 595 M
Kabilang sa mga heavy equipments na popondohan ang pagbili ng 30 units na 6-wheeler dump trucks at 15 units na 6-wheeler extended body na garbage trucks. Samantalang naglaan din ng P10-M para pambili ng bagong garbage bins. Malaking tulong ang mga dump trucks upang maisakatuparan ang pagtambak sa mga relocation sites kasama na ang Abanico area sa Barangay San Pedro.
P 150-M ang inilaan ng Pamahalaang Lungsod para sa pagtatayo ng 2 level building para sa bagong palengke sa Barangay Matahimik. Ito ay sang-ayon sa design and build concept na ang ibig sabihin, ang mananalong kontratista ang magde-design at magtatayo ng building subalit ang main concept ay mula sa Pamahalaang Lungsod. Inaasahan na pagkatapos ma-aprubahan ang supplemental budget ng City Council ay kaagad na itatakda ang public bidding.
Ang mga kakulangan at improvement sa baywalk area ay tutugunan din ng proyektong ito kasama na ang parking area, lighting, sewerage at concreting.
Sa kabuuan, ito’y pagsulong tungo sa ibayong kaunlaran ng siyudad at pag-angat ng turismo na ilan lamang sa nga tinututukan ng Apuradong Administrasyon ni Mayor Lucilo R. Bayron.(cio)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |