CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa City, Sept. 8 CIO - Pormal ng isinagawa ang pirmahan sa Loan Signing Ceremony na ginawa sa City Mayor’s Office ng mga kinatawan ng LandBank of the Philippines sa katauhan ni LBP FVP Filipina B. Monje at ng Lungsod ng Puerto Princesa na kinatawan naman ni Mayor Lucilo R. Bayron nitong Setyembre 3, 2015.
Ang P300M loan package ay nakalaan para sa pagbibili ng mga mahahalagang heavy equipments na matagal ng inaasahan ni Mayor Bayron sapagkat lubhang kailangan ng lungsod para sa mga nakabinbing gawaing pangkaunlaran ng lungsod. Ang mga heavy equipment ay kinabibilangan ng 4 na compactor garbage trucks, isang farm tractor, at mga dump trucks na gagamitin ng City Engineering Department. Matatandaan na inabot na ng ilang buwan na nabinbin ang pagbibili ng mga heavy equipment sa dahilang pulitika. Matatandaan din na matagal ng pangarap ni Mayor Bayron na mabili ang mga heavy equipment sapagkat ang mga minanang mga gamit pawang mga sira na at walang silbi lalo na ang mga garbage trucks.
Nauna sa pag-apruba ng loan na ito ay ang loan agreement sa LandBank para naman sa pagbibili ng 200 pcs garbage bins na 4 ang gulong at 600 pcs garbage bins na 2 ang gulong. Sa ngayon, ay sumasailalim na sa bidding process ang pagbibili ng mga nasabing garbage bins at inaasahan din na sasa-ilalim na din sa bidding process ang pagbibili ng mga heavy equipments kasama na ang garbage trucks.
Inaasahan na sa madaling panahon ay ganap ng matutugunan ng Pamahalaang Lungsod ang suliranin tungkol sa basura. Subalit inaasahan din ang ganap na pakikiisa ng lahat ng mamamayan lalo’t higit ang mga barangay officials para sa ganap na kalutasan ng problema sa basura.
Matagal na ding inaasahan ng City Engineering ang mga heavy equipment upang matugunan din ang maintenance works ng ating mga kalsada. Samantala, ang farm tractor naman ay inaasahang malaking tulong sa ating mga magbubukid para sa kanilang kabuhayan.
Ang P300M loan ay bahagi lamang ng kabuuang P595M Supplemental Budget na hiniling ni Mayor Bayron sa Sangguniang Panlungsod. Matatandaan na nauna ng naaprubahan ang P55M bilang Supplemental Budget No. 2; samantalang, inaasahan ding magkakaroon ng Loan Signing sa natitira pang P240M loan para sa pagtatayo ng bagong pamilihang bayan na nagkakahalaga ng P150M at P90M para sa improvement ng Baywalk Area na bahagi ng Supplemental Budget No. 1.(cio)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |