CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Mahigit dalawang libong residente ng lungsod ang nakinabang sa buong araw na Operation Bigay Lunas, handog ng Mercury Drug at Pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa nitong Pebrero a-uno sa City Coliseum.

 

Ang Operation Bigay Lunas ay isang araw na libreng konsultasyon at pamimigay ng libreng gamot bilang bahagi ng ika 70th foundation anniversary ng Mercury Drug Corporation. Ayon kay Niño Manalang, Palawan Area District Manager, sinimulan ang pagsasagawa sa lungsod ng Operation Bigay Lunas, Handog Lunas taong 2010 kasabay sa anibersaryo ng Mercury Drug bilang kanilang social responsibility. Nararapat lamang anya na ibahagi ng korporasyon sa mga mamimili nito ang biyaya ng maunlad na negosyo.

 

Samantala, mahigit sa tatlong libong mga gamot ang inihanda ng Mercury Drug para sa Operation Bigay Lunas katuwang ang City Health Office na siyang nangasiwa sa konsultasyon.

 

Buong pusong nagpasalamat si Mayor Lucilo Bayron sa Mercury Drug sa patuloy na Operation Bigay Lunas sa lungsod, anya malaking tulong ito sa mamayan ng lungsod lalo na ang mabigyan ng libreng gamot. Pinapurihan din ng alkalde ang City Health Office sa kanilang seryosong pagtupad sa tungkulin bilang katuwang sa Operation Bigay Lunas.

 

Article Type: 
Categories: