CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Nais isulong ni Kagawad Nancy Socrates na gawing breast cancer awareness month ang buwan ng Oktubre sa Lungsod ng Puerto Princesa batay sa SDO #103-2017.
Sa isinagawang multi-sectoral committee meeting noong January 18, ipinaliwanag ni Kgd. Socrates ang kahalagahang ang mga babae sa lungsod ay well-informed at pro-active sa usapin ng breast cancer. Naniniwala ang konsehala na ang early detection ng cancer ay malaking tulong sa mas epektibong gamutan nito. Mahalaga ding matutunan ng kababaehan ang tamang self-breast examination o sariling pagkapa sa dibdib kung may bukol o kakaibang pagbabago sa dibdib na maaring paunang sintomas ng breast cancer.
Lumalabas sa pag-aaral na breast cancer ang nangungunang dahilan ng kamatayan sa mga kababaehan nitong nakalipas na dalawang taon. Mahigit kumulang isang milyong kababaehan sa buong mundo ang namamatay sa breast cancer.
Batay sa SDO 103-2017, pangungunahan ng City Health Office ang malawakang information dissemination at mga aktibidad tuwing cancer awareness month. Nais din ni Kgd. Socrates na magawan ng paraan na maging accessible ang mammogram sa lahat ng kababaehang nangangailangan nito.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |