CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Dumalaw sa lungsod ang batikang coach na si Mr. Eric Altamirano upang ilatag ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa programa ng NOKIA NBTC (National Basketball Team Center) D-League at ang hangarin nito na makinabang din ang mga piling kabataan sa lungsod.

Ang NOKIA NBTC D-League ay isang training program para sa mga kabataang nahihilig at mayroong talento sa paglalaro ng basketball. Binabuo ito ng mga batikang manlalaro at coach na sila mismo ang nagbibigay kaalaman sa mga ito. Layunin ng NBTC Developmental League ang makilala, maihanda, mapaunlad at maisulong ang mga magagaling na kabataang nag-eedad 15-17 taong gulang na mula sa mga lungsod at probinsya para sa National Team.

Ikatlong taon na ngayon ng naturang programa at nakapagpatayo na sila ng 3 training centers sa lungsod ng Maynila, Cebu at Davao. Mayroon nang 120 na mga eskwelahan ang nakinabang dito, 90 na manlalaro ang nagtapos na at naglalaro sa kasalukuyan sa mas mataas na liga, 103 ang naimbitahan upang lumahok sa Nike Elite Camp at 12 naman ang napili para maglaro sa Nokia Pilipinas U16 Team.

Inaasahan ni Coach Altamirano na ang mga kabataan ng lungsod ng Puerto Princesa sa pamamagitan ng City Sports Office ay mabibiyayaan ng ganitong programa at makapagbunga ng mahuhusay na manlalaro sa bansa.

Ito ay 6 na buwang programa kung saan sasailalim sa masusing pagsasanay ang mga mapipiling kabataan (180 na manlalaro) na dadaan sa 4 na bahagi: phase 1, talent identification camp; phase 2, inter-city tournament; phase 3, regional finals; phase 4, national finals.

Positibo naman si Atty. Gregorio Austria ng City Sports Office na buo ang suporta ng pamunuan ni Mayor Edward S. Hagedorn sa ganitong gawain upang matulungan na maiangat ang kalidad ng mga manlalaro sa lungsod.

 

Article Type: