CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, October 7 CIO - Darating sa lungsod ng Puerto Princesa ang MV Aquarius Superstar sa Nobyembre 10 hanggang Nobyembre 11, 2014. Ang naturang barko ay may kapasidad ng 1,800 pasahero. Karamihan sa mga pasahero ay Chinese, Taiwanese, Malaysian at Singaporean. Sakay din ng barko ang higit 1,000 crew. Ang MV Aquarius Superstar ay manga-galing pa sa Hongkong bago ito dadaong sa Puerto Princesa City Port. Ito ang kauna-unahang cruise ship na bibisita sa lungsod na magpapalipas dito ng isang gabi.
Ang pagbisita ng cruise ship sa Novemember 11, 2014 ay akma sa selebrasyon ng Puerto Princesa Underground River day bilang pag-gunita sa araw ng pagkakabilang nito sa New 7 Wonders of Nature. Ang City Tourism Department at ang PPUR Office ang magiging punong abala sa paghahanda sa PPUR day at sa nakatakdang pagbisita ng cruise ship.
Kaugnay nito, nagkaroon ng courtesy call at mobilization meeting noong umaga ng September 25, 2014 sa tanggapan ni Punong Lungsod Lucilo R. Bayron sina DOT Regional Director Atty. Minerva A. Morada, kasama sina Asst. Vice President Steven Ang ng Shipping Agencies and Embarkation Star Cruise ng Singapore, Captain Havard Ramsoy - Vice President ng nautical star Cruises Malaysia, Vice President Raymond Lim ng Cruise Operation Hongkong. Kasama din si Cherylyn Rodolfo ng USAID Compete, Assistant Operation Manager Maricel Manansala ng WALLEM Philippine Shipping Inc. at President Debbie Tan ng Palawan Tourism Council at City Tourism Officer Aileen Cynthia Amurao.
Nasiyahan at naging maganda ang pagtanggap ni Punong Lungsod Lucilo R. Bayron sa pagbisita ng DOT Regional Director dahil nangangahulugan ito ng patuloy na pagtaas ng turismo sa lungsod.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |