CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Kinoronahan na ang Mr. & Ms. Chinatown 2017 na sina Vincent Palanca at Sahara Wagner noong January 28, 2017 sa Chinatown Center Palawan. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Chinese New Year at 1st Chinoy Festival sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Nakuha ni Ms. Chinatown Sahara Wagner ang mga special awards na Best in Talent, Best in Creative Wear, Best in Production Number, Best in Summer Wear, Ms. Body Beautiful, at Best in Chinese Attire. Si Mr. Chinatown Vincent Palanca ay naiuwi ang mga awards na Mr. Photogenic, Mr. Facebook Sensation, Best in Production Number, Best in Summer Wear, at Best in Chinese Attire. 1st Runner up si Princess Diane Tejido na nakakuha ng Ms. Congeniality at Ms. Photogenic. 1st Runner up sa mga lalaki si Dominic Klingelfuss na nakapaguwi din ng Best in Talent at Mr. Body Beautiful. Itinanghal na 2nd runner up sina Patricia Ellaine Francisco at Alex Esguerra. Nasungkit ni Esguerra ang special award na Best in Creative wear sa mga kalalakihan. Ms. Facebook Sensation at Crowd Favorite ang kandidatang si Cindy Delos Santos. Nakuha ni Engelbert Palcorin ang Mr. Congeniality. Ang iba pang mga kandidata sa patimpalak ay sina Jessica Escaba at Zandra Eloisa Saul.
Anim na kababaihan at 4 na kalalakihan ang lumahok upang makuha ang titulong Mr. & Ms. Chinatown. Binuksan ang programa ng isang opening production number. Sinundan ng pagrampa ng mga kalahok suot ang kanilang summer wear at Chinese Attire. Nagpamalas ng kanilang talino ang mga kalahok sa Question & Answer Portion. Ang talent at creative attire competition ay ginanap noong January 22, 2017 sa pareho ding lugar.
Samantala, matagumpay ang pagdiriwang ng 1st Chinoy Festival sa lungsod. Alas dos ng hapon noong January 28, ay pansamantalang isinara ang Valencia St. para sa nasabing Festival. Nagkaroon ng parada mula Valencia St. patungong -Malvar st. Burgos st. Rizal Avenue, pabalik ng Valencia. Ang parada ay nilahukan ng City Band, Pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa na pinangunahan ni Vice Mayor Luis Marcaida III, City Tourism Office, Palawan Hope Christian School, William Tan Enterprises Inc., Drugman, NCCC Supermarket, Puerto Electronico, Puerto Princesa Chamber of Commerce, at ang Fil-Chi Chamber of Commerce. Kasama din sa parade ang Lion at Dragon dance.
Sa mensahe si Filipino-Chinese Chamber of Commerse President na si Mr. Tommy Tan, “We stand proud of what our city has become, and through our mutual cooperation” anya. Pinasalamatan din ni Tan ang lahat ng nakiisa at dumalo sa unang selebrasyon ng Chinoy Festival. Sa mensahe ni Vice Mayor Luis Marcaida III kanyang binanggit ang ilang dahilan kung bakit merong Chinoy Festival sa lungsod. Una–ay ang bigyan ng pagkilala ang friendly relation sa pagitan ng Filipino-Chinese Community at mga mamayan sa lungsod. Malaki umano ang kontribusyon ng mga Fil-Chinese businessmen sa ekonomiya ng lungsod. At pangalawa, inaasahan na ang festival na ito ay makakatulong sa turismo ng lungsod lalo na sa nalalapit na pagbubukas ng Puerto Princesa International Airport.
Agad ding ipinagkaloob ni Vice Mayor Luis Marcaida III kina Mr. William Tan, Mr. Tommy Tan, at Mr. Arjenel Lim ang plake kong saan nakasaad ang Ordinance No. 804 na may titulong “An Ordinance Institutionalizing the Puerto Princesa City Fil-Chi or Chinoy Festival in Conjunction of the Celebration of Chinese New Year in the City of Puerto Princesa and Appropriating Funds Therefore”. Ang ordinansa na siyang magiging batayan sa taunang selebrasyon ng Chinoy Festival sa pagtataguyod ng lokal na pamahalaan mula susunod na taon.
Bago matapos ang selebrasyon nagkaroon ng pag-set off ng mga fire crackers. Mas pinasigla at pinakulay ang pagdiriwang ng mga Chinese Cultural Dances sa pamamagitan ng mga mag-aaral ng Palawan Hope Christian School. Naging atraksiyon din sa pagdiriwang ang mga nagagandahang Chinese lanterns na nakasabit sa lugar na pinagdausan. Nagkaroon ng fireworks display matapos ang koronasyon ng Mr. & Ms. Chinatown na sinundan ng live band performances.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |