CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, July 23 SP - Sinuportahan  ng Sangguniang Panlungsod ang isang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa at United States Agency for International Development o USAID sa pamamagitan ng pagbibigay ng otorisasyon sa Punong Lungsod Lucilo R. Bayron  na lumagda sa naturang MOU na gaganapin sa ika-28 ng Hulyo taong kasalukuyan sa Kamaynilaan. Ito ay sa bisa ng Resolution No. 1235-2015 na kagyat ay inaprubahan ng Kapulungan.

            Ayon kay Binibining Twinkle Rodolfo, representante ng USAID, ang Lungsod ng Puerto Princesa ay ika-anim sa mga siyudad na masusing pinili at pinag-aralan ng kanilang ahensiya na mapabilang sa Cities Development Initiative, base sa mga gabay at panuntunan na pinapairal ng USAID. Kabilang sa mga naunang lungsod na naglunsad ng naturang programa ay ang Ilo-ilo City, Batangas City, Tagbilaran City, Zamboanga City at Cagayan de Oro City.

            Ilan sa mga proyekto na nakita ng USAID ay ang pagsasa-ayos ng mga heritage sites sa Lungsod ng Puerto Princesa  kung saan malaki ang naging parte sa kasaysayan ng Pilipinas at ng buong Lalawigan. Ito ay ang Plaza Cuartel, Eulalia Park, Rizal Park, Governor’s Residence, Mendoza Park, Palawan Museum, Heritage Center at ilang mga sinaunang bahay na kakikitaan ng bakas ng kasaysayan at kasarinlan ng Lungsod.

            Kinakitaan ang Lungsod ng Puerto Princesa ng potensyal sa pagnanais nitong isulong ang good governance at ang pakikipagtulungan ng pribadong sektor sa mga proyekto at adhikain nito sa pagsulong at pag-unlad.

            Naging mainit ang pagsuporta ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sapagkat ito ay muling maglalagay sa Lungsod ng Puerto Princesa bilang isa sa lugar na may natatagong ambag sa kasaysayan ng bansa at mas mapapaganda ang industriya ng turismo. Ang naturang proyekto ay parte ng National Tourism Development Plan ng 2011-2016 na naglalayong ipalaganap ang kasaysayan ng isang lugar upang maging kabahagi ng industriya ng tourismo.(SP)

Article Type: 
Categories: