CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Pinatunayang muli ng Mega Apuradong Administrasyon na pinangunahan ni Mayor Lucilo Rodriguez Bayron ang kanyang husay at galling sa pamumuno sa Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa.
Dalawang parangal ang nakatakdang maigawad mula sa Department of Trade and Industry o DTI. Mula sa mahigit 1,000 local government units o LGUs sa buong bansa, lumalabas sa resulta ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) 2024 na mula sa 33 kalahok na Highly Urbanized Cities o HUCs, Pangwalo. (Puerto Princesa bilang “Rank 8 Most Competitive In Infrastracture “ at pang siyam bilang Most Improved LGU.
Sa ilalim ng Serbisyong Bayron, hindi matatawarang kabi-kabilaang proyekto ang ipinagawa mapa-rural o urban barangays. Katuparan ng mga pangarap ng isang visionary leader na ang hangad ay mapagtagumpayan ang pagpapalakas pa lalo ng ekonomiya ng siyudad at mabigyan ng maginhawang buhay ang mga mamamayan.
Gaganapin ang paggawad ng nasabing parangal sa Glorietta Activity Center, Makati City sa darating na ika-24 ng Oktubre sa opening ceremony ng Tatak Pinoy: OBRA MIMAROPA.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |