CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa City, Nov. 16 CIO – Magkaisang ipinagtibay ng Sangguniang Panglungsod ang isang resolusyon na nagbibigay ng papahintulot kay Punong Lungsod Lucilo Rodriguez Bayron para pumasok sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng PamahalaangLungsod at Bureau of Custom.
Ayon kay CIO Richard Ligad, hangarin ni Mayor Lucilo Bayron na mabigyan ng maayos na lupa na puwedeng pagtayuan ng kanilang opisina ang ahensiyang nasyunal at lokal sa lungsod. Nauna rito, nabigyan na rin ang Department of Education, Bureau of Treasury, National Irrigation Administration na kasaluyan ng ginagamit. Sa bisa ng Presidential Proclamation no. 16, series of 1998 ang Pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa ay maaring magbigay o maglaan ng lote sa mga nasyonal at lokal na ahensiya sa loob ng City Government Center and Nature’s Park.
Ang resolution no. 1349-2015, na ipinasa ng 119th Regular Session ng 14th Sangguniang Panglungsod kamakailan ay naglaan ng mahigit kumulang sa isang libong metro kuadrado ng lupa mula sa Puerto Princesa Government Center and Nature’s Park ng Barangay Sta. Monica para sa Bureau of Custom, dagdag pa ni CIO Ligad.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |