CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Feb. 13 CIO – Puno ng pasasalamat na tinanggap ni City Mayor Lucilo R. Bayron ang halagang P100,000  na donasyon mula sa tinanghal na Miss Silka Philippines 2014 para sa mga may kapansanang kabataan at kababaihan sa Lungsod ng Puerto Princesa.

 

Ang naturang halaga ay katumbas ng gantimpalang ipinagkaloob kay Kathreen Ahorro na naging kinatawan ng Puerto Princesa City at Palawan sa patimpalak na ginawa noong nakaraang taon kung saan ay pinalad siyang magwagi sa hanay ng iba pang mga kandidata mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.

 

Pinapurihan ni Mayor Bayron ang magandang adhikain ni Miss Ahorro na makatulong sa mga kababayang may kapansanan lalong-lalo na ang mga kabataan.

 

Sinabi ni Mayor Bayron na ang halagang ito ay gagamitin ng Pamahalaang Lunsod para sa mga kapus-palad na mga bata at kababaihan na nasa ilalim ng pamamatnubay ng Persons  with Disability Affairs Office (PDAO) sa ilalim ng tanggapan ng alkalde.

 

Ang nabanggit na opisina ay mayroon lamang P400,000 na pondo sa nakaraang administrasyon. Subalit sa ilalim ng panunungkulan ni Mayor Bayron ay pinaglaanan ito ng P7.7-M.

 

Ang simpleng seremonya ay sinaksihan ng mga opisyal ng Cosmetique Asia Corporation na siyang taga-pamahagi ng Silka Philippines at ni G. Genaro Mana-ay, ang taga-pamahala ng PDAO.

 

Article Type: 
Categories: