CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, June 16 CIO - Kinoronahan bilang Miss Philippines Earth 2016 ang kasalukuyang Ms. Puerto Princesa na si Imelda Bautista Schweighart sa ginanap na koronasyon ng Miss Philippines Earth 2016 sa UP Theathre, Quezon City noong Hunyo 11. Angat ang ganda ni Imelda sa 45 kandidata mula sa iba’t ibang lugar sa bansa sa nasabing patimpalak.

Sa simula palang ng patimpalak kagandahan ay kapansin-pansin na ang ganda ni Ms. Puerto Princesa at humakot ito ng madaming awards. Nakuha niya ang mga sumusunod na awards:  Ms. Lady Grace Apparel, Ms. Aquaboy Resort, Bronze medal sa Evening Gown,  Silver medal sa Darling of the press, Top 10 Hana Beauties of Nature, Ms. Pontefino Residences, top 5 sa singing category ng Best in Talent, Ms. Earth Yoshinoya, Bronze Medal sa Cocktail Competition, Ms. Ever Bilena Beauty, Silver Medal sa Swimsuit Competition, Ms. YSA Kojic at Ms. Gloww.

                Sa final question and answer, ibinigay ng artistang si Roby Domingo ang katanungan na “If you have a chance to talk one on one with President Elect Duterte, what assistance would you ask from him?”.  Sinagot ito  ni Imelda ng may sinseridad na “My climate change advocacy is banning Genetically Modified Organisms and genetically engineered seeds because I believe in natural food in order to feed our mind, body and soul. So if we really want to feed our minds and become more smarter, let’s support banning GMO, President Duterte, at the same time I would like to encourage him to put bike lanes here in Manila and I would take him to Puerto Princesa and show how clean our place is.”

                Si Imelda ay pinutungan ng korona ni Miss Earth 2015 Angelia Ong. Si Ms. Filipino Community of London Kiara Gregorio ang itinanghal na Ms. Philippines Air. Ms Philippines Water naman ang nakuha ng  kinatawan ng Laoag City na si Loren Artajos.  Si Shannon Bridgman ng Rosales Pangasinan ang Ms. Philippines Fire at Ms. Philippines Eco-Tourism naman ang kinatawan ng Filipino Community Vienna Austria na si Melanie Mader.

                Isa itong malaking karangalan para kay Imelda dahil siya ang kauna-unahang Puerto Princesan na kinoronahan bilang Ms. Philippines Earth. Isang malaking hamon naman sa kanya ang maiuwi ang International Crown ng Ms. Earth 2016 dahil magkasunod na nanalo ang Pilipinas sa Ms. Earth  noong taong 2014 at 2015.  Ayon kay Imelda, ang dahilan kung bakit siya nanalo ay lifestyle niya umano ang pagkalinga sa kalikasan. “Puerto Princesan’s are considered Earth Warriors! Let us fight for the creation of God” dagdag pa niya.

                Samantala, abangan natin si Imelda Schweighart sa kanyang internasyonal na kumpetisyon. Ang tagumpay niya ay isang malaking karangalan para sa Lungsod ng Puerto Princesa.  

 

Article Type: 
Categories: