CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Nov. 15 CIO - Engrande ang ginanap na koronasyon ng MIMAROPA Festival King & Queen 2016 noong ika-10 ng Nobyembre sa City Coliseum. Pitong dalaga at anim na kalalakihan ang naglaban-laban para sa titulong 2nd MiMaRoPa Festival King and Queen.
Kinoronahan si Scary Socyn Guinto ng Oriental Mindoro bilang 2016 MiMaRoPa Festival Queen. Inilipat ni 2015 Mimaropa Festival Queen Sharla Santillan ng Palawan ang korona. Nakuha din ni Mr. Puerto Princesa Julio Paulo Evina ang kauna-unahang MIMAROPA Festival King. 1st Runner up sina Ms. Puerto Princesa Sandrine Stoelzaed at Mr. Palawan Roselan Mark Limco. At 2nd runner up sina Mr. Oriental Mindoro at Ms. Palawan.
Nakuha nina Mr. Palawan at Ms. Puerto Princesa ang special award na Face of the Night, Mr. & Ms. Chowking sina Mr. & Ms. Puerto Princesa. Ginawaran bilang Darling of the Press sina Mr. Puerto Princesa at Ms. Occidental Mindoro. Best in Festival Costume ang parehong kinatawan ng Palawan. Tinanghal na Best in Talent o Festival Dance sina Mr. & Ms. Occidental Mindoro at Mr. & Ms. Friendship sina Mr. & Ms. Romblon. Napiling Mr. & Ms. Photogenic sina Mr. Palawan at Ms. Oriental Mindoro. Best in Swimwear sina Mr. Puerto Princesa at Ms. Oriental Mindoro. Sina Mr.Occidental Mindoro at Ms. Palawan ang napiling Best in Formal Wear.
Binuksan ang patimpalak sa pagrampa ang mga kandidato at kandidata suot ang kanilang festival costume. Sa talent competition sumayaw ang mga kinatawan ng Palawan ng pinaghalong folk dance at street dance ng Baragatan Festival. Sayaw at kultura ng Mangyan ang ipinamalas ng Mr. & Ms. Occidental Mindoro. Ang mga kandidato ng Romblon ay sumayaw patungkol sa isang pangunahing produkto ng kanilang lugar, ang buko. Paru-paru na hango sa Bila-bila Festival ang sinayaw ni Ms. Marinduque. Mala Pandanggo sa Ilaw ang ipinakita nina Mr. & Ms. Oriental Mindoro hango sa Pandang-gitab Festival o Festival of Lights. Sina Mr. & Ms. Puerto Princesa City ay sumayaw hango sa Balayong Festival. Ang sayaw ng Kalap Festival ang ipinakita ng kinatawan ng Calapan City. Ang talent competiton ay agad na sinundan ng swimwear, formal wear at question and answer portion.
Ang mga kandidata sa Festival Queen ay sina Maria Veronica Sinajon ng Palawan, Efryl Go ng Occidental Mindoro, Zarene Mae Tansionco ng Romblon, Crisnelle Garcia ng Province of Marinduque, Scary Socyn Guinto ng Oriental Mindoro, Sandrine Stoelzaed ng Puerto Princesa City at Milena Alfea Acosta ng Calapan City. Festival King sina Roselan Mark Limco ng Palawan, John Ray Samonte ng Occidental Mindoro, Mark Jaser Osorio Molo ng Romblon, Arron Acosta Villarba ng Oriental Mindoro, Julio Paulo Evina ng Puerto Princesa City at John Paul Fradejas ng Calapan City.
Samantala pinasaya ng One Up Band ang gabi ng patimpalak. Host sa patimpalak sina Bb. Pilipinas International 2014 Bianca Guidotti at news anchor at former model Renz Ongkiko. Nagsilbing hurado naman sina Ms. World Philippines 2015 Hillarie Parungao at ang kilalang make-up stylist at mahusay na fashion designer na si Fanny Serrano.
Ang Festival King & Queen ay isa sa mga pangunahing aktibidad sa isang linggong selebrasyon ng 2nd MIMAROPA Festival 2016 sa ilalim ng pamamahala ng Lungsod ng Puerto Princesa sa pangunguna ni Mayor Lucilo R. Bayron. Samantala, ang 2017 MIMAROPA Festival ay gaganapin sa probinsya ng Romblon.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |