CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Nagpatawag ng isang public hearing ang Committee on Health and Sanitation ng Sangguniang Panlungsod kamakailan  para alamin ang situwasyon ng inuming tubig na ibinibenta ng mayroong walumput limang (85)  water refilling stations dito sa lungsod ng Puerto Princesa.

 

Ayon kay Konsehal Roy Ventura, Committee Chairman ng Health and Sanitation, ang Sanggunian Draft Ordinance number 195 – 2015 amending section 2 of City Ordinance no. 387  ay naglalayon na obligahin ang lahat ng owners/operators ng water refilling stations dito sa lungsod na regular na magsumite ng water samplings para sa masusing pagsusuri ng City Health Office . Sa naturang public hearing, napag alaman na ang 85 refilling stations ay regular na nagsusumite ng kanilang tubig para sa physical and chemical samples taon-taon at monthly naman para  sa bacteria water testing.

 

Hiniling naman ni Dr. Alvin Timbancaya, ng Cooperative Hospital na dapat magkaroon ng random testing sa lahat ng water stations at at i-open sa lahat ng private entity ang pagsumite ng water analysis nito. Ipinarating din ng ilan sa opisyal ng City Water District na may report umano nakarating sa kanilang tanggapan na mayroon gumagamit pa rin ng tap water o di na dumadaan pa sa water analysis.

 

Bukod kay Kon. Ventura dinaluhan din ni Konsehal Matt Mendoza, Mike Cuaderno at Konsehal Jimbo Maristela, kasama din ang CHO, Water District at mga kinatawan ng refilling stations ang nasabing public hearing.(erada)

 

Article Type: 
Categories: