CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Masaya,makulay at may pagkakaisa ang pagdiriwang ng Charity Women’s Foundation ng Puerto Princesa para sa International Womens’ Month ngayon buwan ng Marso. Ginanap anoong Marso 4 ang taunang pagpili ng Lola at Mrs CWF kung saan nagwagi si Luzviminda Montecalvo mula sa Poblacion 1 bilang Lola CWF 2010. Siya rin ang nagkamit ng mga espesyal na award bilang Best in Filipiniana, Best in Casual Wear at Best in Talent. Si Lilia Andres ang lolang nakatanggap ng Best in Creative Gown at Lola Darling of the Crowd. Napagbotohan naman ng 7 kandidatang lola si Olivia Erum bilang Lola Friendship.
Nagulat at di –akalain ni. Sherelyn Garcia na siya ang mananalong Mrs CWF 2010. Siya rin ang Darling of the Crowd habang si Girlie Badilla ang Mrs. Friendship. Elegante at maganda ang trahe ni Marites Rey kaya nasungkit niya ang Best in Filipiniana bukod pa siya rin ang nakatanggap ng Best in Casual Wear at Best in Preggy Look. Dalawang gantimpala naman ang napunta kay Fredelyn Tingson , ang Best in Talent at Best in Creative Gown.
Naging pananuhing pandangal si Mayor Edward S. Hagedorn sa gabi ng patimpalak kung saan ipinaabot niya ang paghanga at suporta sa samahan ng mga kababaihan. Hinikayat naman ni Vice Mayor Lucilo Bayron na mas panatilihin ang ganda ng kalooban maliban pa sa pampisikal na kaanyuan dahil ito ang tunay ng ganda ng isang babae. Nagpakitang gilas sa mga palabas ang iba pang mga lola at mga nanay na nagpagising sa mga manonood. May nagsayaw ng Hawaiian, modern at katutubong sayaw.
Talino sa pagsagot ng mga katanungang may kinalaman sa kakayahan ng mga kababaihan at sa mga programa ng pamahalaang panlungsod ang isa sa pinagbasehan sa pagpili ng mga nanalo.
Dalawampu’t dalawang taon na ang Charity Women’s Foundation na itinatag ng Unang Ginang Ellen M. Hagedorn noon pang 1988.
By: Amie H. Bonales
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |