Tuluy-tuloy ang paghahanda ng Pamahalaang Lungsod sa kapana-panabik na water-based sport activities na gaganapin sa lungsod. Mapapansin ang mga ginawang bleachers sa baywalk upang mas komportable ang panonood sa gaganaping 3rd Puerto Princesa International Dragon Boat Festival mula Oct. 25-27 at ang inaabangang ICF Dragon Boat World Championship mula Oct. 28 - Nov. 4. Maliban sa removable bleachers ay magtatayo din ng removable tent sa paligid at iba pang pasilidad.
Mahalagang papel sa pangangalaga ng karagatan, dalampasigan, look o baybayin ang programang kinonsepto at pinagtatagumpayan sa ilalim ng Mega Apuradong Administrasyon – ang Save the Puerto Princesa Bays.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron, ang Puerto Princesa City ay naglunsad ng mga proyekto at programang sumasaklaw sa lahat ng aspeto ng pag-unlad ng kabataan. Mula sa edukasyon hanggang sa sining, ang bawat inisyatibo ay naglalayong bigyang-lakas ang ating mga kabataan na maging aktibong bahagi ng lipunan.
Sa ikatlong pagkakataon, muling ginanap sa Brgy. Bagong Silang ngayong araw, Oktubre 5 ang sabayang paglilinis ng dalampasigan, mga estero at paligid para sa ikalabing-isang episode ng Save the Puerto Princesa Bays.
Nagkaisang muli ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor, mapa-pribado o pampublikong grupo at mga uniformed personnel. Sinimulan sa masayang programa kung saan nagkaroon ng zumba exercise na pinangunahan ng City Sports Office at ang nakakaindak na sayawan mula sa Banwa Dance and Arts.
Pinatunayang muli ng Mega Apuradong Administrasyon na pinangunahan ni Mayor Lucilo Rodriguez Bayron ang kanyang husay at galling sa pamumuno sa Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa.
Puerto Princesa,CIO June 11 - Ipinagdiriwang tuwing hunyo ang Kidney month sa buong bansa. Sa lungsod ng Puerto Princesa sa pangunguna ng City Health Office, pormal itong pinasimulan ng isang programa nitong June 9, sa pamamagitan ng motorcade alas 7:30 ng umaga.
Puerto Princesa, Aug. 13 CIO - Puspusan ang ginagawang pampisikal na pagbabago ng Areza-Cruz Realty & Development Corporation sa luma at bagong pamilihang bayan, slaughterhouse at sa land transportation terminal.