CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

P52,222,806.29 ang nakolektang buwis ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa mula sa mga ari-ariang di-natitinag  para sa unang kwarter ng taong 2015.  Kinabibilangan ito ng mga bayarin sa lupa, gusali at makinarya.  Kumakatawan ito sa 36% ng kabuuang target sa buong taon na P143,880.000.00.  Mahigit sa anim na libong mga negosyo ang nakapag-ambag sa kaban ng lungsod ng magbayad ng P91,773,448.10 na buwis.   Katumbas nito ang  70%  sa target na P131,900.00.  Mas mataas ito ng 4%  sa koleksyon ng magkaparehong kwarter noong 2014 na P78,305,966.00 na mayroong mas mababang target na 118,200.00.

P28,880,200.00 naman ang nasingil mula sa mga bayarin at pataw  na may katumbas na 53%  ng tinutuong koleksyon na P54,650.000.00.  Nasa hanay nito ang mga ibinabayad sa mga clearance at certification  .  P9,308,205.81 naman ang kinita mula sa economic entreprises ng lokal na pamahalaan.  Ito ay nagbigay ng  26% sa nilalayong P35,400,000.00 kita ngayong taon. Kabilang sa mga negosyo ng pamahalaan ay ang fishports, coliseum, terminal at rental sa mga iba pang ari-arian.

Samantala, sa 4,000 may prangkisang mga tricycle 3,724 ang nagrenew sa itinakdang palugit na Marso 30, 2015.  Karamihan sa mahigit na 200 hindi nagrenew ay kanselado na ang prangkisa dahil sa hindi pagrerenew ng prangkisa sa loob ng dalawang taon .    Ang ilan naman na nahuli pa sa pagrerenew at sila ay may babayaran nang pataw .

344 mga pangnegosyong  pumpboats rin  ang nagbayad ng buwis at iba pang bayarin para sa pagrerenew ng lisensiya.  Ito ay ang mga ginagamit sa industriya ng turismo at pangisdaan.

Article Type: 
Categories: