CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Jan. 20 CIO - 10 mga negosyo na kinabibilangan ng Unico General Merchandising, Ferwin Gemy Distributor Inc., LB Leoncio Trading and Construction, Futuristic Trading & Construction, Saturn Marketing, New CBPP Palawan Enterprises, Petal Trading & Services, 2 sangay ng Puerto Biochemist Drug Inc. at Max’s restaurant. Sila ang nangunguna sa talaan noong Enero 17 na may binayarang malalaking buwis sa negosyo. Kasama ang regulatory fee at iba bayarin umabot sa kabuuang halagang P13,205,274.18 ang naibayad nila.
Nasa 2,903 negosyo na ang may 2017 business permit. Kinabibilangan ito ng mga nagrenew at mga bagong tayong kalakalan. Inaasahan ng business permits and license division ng Puerto Princesa na tataas pa ang bilang ng mga ito habang papalapit na ang deadline sa Enero 20, 2017. Makalampas sa petsang ito, ang ano mang negosyong magrerenew ay magbabayad na ng 25% surcharge at 2% monthly interest sa kada buwan na pagkahuli ng pagrerenew.
Naging mas mabilis ngayon ang pakuha ng business permit kumpara sa mga nakaraang taon. Binago ang proseso, ang dating 21 hakbang ay naging 3 na lamang. Bagamat may pagkakataon may sagabal ang bagong lagay na electronic system, sinisikap ng lokal na pamahalaan na maayos ito upang ang tinutuon na 1 oras na proseso ay makamtan.
Nakakaapekto naman sa bilis ng proseso ng nagrerenew ang hindi kompletong dokumento ng isang negosyo gaya ng bagong sedula, barangay clearance at lumang dokumento. Gayon din ang hindi makatotohanang datos na ibinibigay ng negosyante na hindi umaakma sa klase at kita ng negosyo na nakikita ng inspector. Nakakadagdag din ang bagong negosyo sa dinadagdag sa dating linya ng pinagkikitaan.
Ipinapatupad rin sa taong ito ang pagtaas ng bayarin na nakatakda sa tax ordinance no. 794 o ang 2016 Revised Revenue Code ng puerto princesa. Umaabot mula 6% hanggang 10% ang itinaas ng babayaran kumporme sa klase ng negosyo.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |