CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa City, Sept. 17 CIO - Nakasalang ngayon sa BIDS and Awards Committee ang purchase request (PR’s) mula sa CDRMMO para sa pagbili ng mga mahalagang kagamitan bilang bahagi ng capability building ng tanggapan at ng Pamahalang Lungsod para sa epektibong pagtugon sa mga kalamidad at emergency cases na kakaharapin ng lungsod. Ang mga ipinanukalang kagamitan na mayroong Approved Budget Contract(ABC) na nagkakahalaga ng 31,932,641.30 ay ang mga sumusunod:
1. 66 units emergency response vehicles with accessories:
Ambulance light blinker with siren and public address system, wheeled stretcher, mobile base radio with mobile antenna and complete parts.
2. High angle rescue equipment and other accessories
3. 2 units ambulance.
4. 16 channel 2U network video recorder outdoor weatherproof camera.
Sa mga gawaing pang-imprastraktura, kasama sa paghahanda ang pagsasa-ayos ng drainage system sa Socrates Road, Barangay San Pedro; drainage sa Masunurin Road, Barangay Tiniguiban; at drainage improvement sa Pablico Road, Barangay Tiniguiban. Nakatakda ding gawin at tapusin ang mga covered courts sa Barangay Langogan, Barangay Buenavista, Barangay Maruyogon, Barangay Luzviminda at Barangay Bancao-Bancao na magsisilbi ding evacuation center sakaling mayroong sakuna.
Sa usaping EL NIÑO Phenomenon, sa pamamagitan ng tanggapan ng City Agriculture sa pamumuno ni Ms. Melissa Macasaet, nabatid na maaga silang nakipag-ugnayan sa mga magbubukid sa iba’t-ibang barangay upang magsagawa ng Information and Education Campaign (IEC) at magbahagi ng iba’t ibang buto ng gulay, palay at iba pa upang makapagtanim ng maaga. Hinikayat din nila ang mga magsasaka na magtanim ng root crops sa panahon ng EL NIÑO. Dagdag pa ni City Agriculturist Macasaet,na mas matindi ang parating na EL NIÑO na nangangahulugan na mas maikli ang planting period na dapat paghandaan.
Naniniwala ang Apuradong Administrasyon sa pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron na dapat palakasin ang CDRRMO at maging handa sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang tanggapan na may kinalaman dito.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |