CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa City,Oct.24 - Inirekomenda na ng TUV Rheinland Philippines Inc. ang pamahalaang panlungsod ng Puerto princesa na magkaroon na ito ng sertipikasyon sa ISO 9001:2008 at ISO 14001:2004. Nakasaad ito sa sulat na ipinadala ng nasabing ahensya na nilagdaan ni Melody O. Mokamad, Systems Certification Manager. Bago dito, isang masusing pagsusuri ang isinagawa ng grupo noong Setyembre 25 hanggang 27, 2012. Tiningnan nila ang mga dokumentong ginagamit sa araw-araw na pamamalakad at operasyon ng lokal na pamahalaan. Nirepaso rin kung ang mga proseso ay maayos at naaayon sa Citizens Charter ng lungsod. Binigyan diin din ang paglalagay ng mga hakbangin upang mapangalagaan ang kalikasan at masawata ang pagkasira ng kapaligiran. Ipinakompleto rin ang ilang sa mga nakaligtaang legal na mga dokumento na kinakailangan lalo na ang mga opisinang may kinalaman sa kalikasan ang serbisyong ibinibigay.
Ang ISO 9001-2008 ay patungkol sa sistema ng pamamahala na may kalidad (Quality Management System). Samantalan, ang ISO 14001:2004 ay hinggil naman sa sistemang na may pangkalikasang kalidad na pamamahala (Environment Quality Management System). Ayon kay Mayor Edward S. Hagedorn nararapat idagdag ang huling sistema sa lungsod upang maipakita sa buong mundo na di lang nasa puso ang pagiging makakalikasan ng bawat Puerto Princesans kundi sa gawa man din.
Igagawad ang sertipikasyon ng pagiging ISO certified ng makompleto lamang ang ilang pangteknikal na pagrerepaso. Matapos ito, mahahanay at makikilala na ang Puerto Princesa sa buong mundo bilang unang lokal na pamahalaan ng Pilipinas na may dalawang International Organizations of Standards accreditations.(amie bonales)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |