CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Ginanap ang groundbreaking ceremony the proyektong “Waste to Energy”
ng pamahalaang panlungsod ng Puerto Princesa at ng PHILBIO noong ika-14 ng Pebrero, 2010. Nagkakahalaga ito ng $2M na pinunduhan ng PHILBIO na itatayo sa malawak na lupain ng Sanitary Landfill ang isang anaerobic biodegrable waste digester , mga tanggapan at tambakan ng mga nabubulok na basura na magbibigay ng methane gas. Ang methane gas ang siyang pagkukunan ng enerhiyang pangkuryente na siya namang gagamitin ng mga electric jeep at tricycle na nakaplanong gagamiting sasakyang pampasahero sa lungsod sa hinaharap.
Ang proyekto ay bunsod ng layunin ni Mayor Edward S. Hagedorn na gawin ang Puerto Princesa na siyang kauna-unahang lungsod na “carbon negative” sa buong mundo. Sasabayan ito ng pagtatanim pa ng maraming mga puno, hindi pagtatayo ng mga paktoryang nagbubuga ng usok at walang pagmimina. Hihikayatin at tutulungan ng lokal na gobyerno ang mga samahan ng jeep at tricycle sa paggamit at pagkakaroon ng mga electric feed vehicles.
Kasabay ng groundbreaking ceremony ang pagbibigay ni Jan Marasigan ng Manufacturers of Motor Vehicles Association of the Philippines ng 2 plate numbers ng mga electric jeep sa alkalde.
Naging panauhing pandangal sa nasabing okasyon sina Ian Alvarado, Marketing Chief ng PHILBIO, Red Constantino ng Institute of Climate and Sustainable Cities at mga opisyales ng Barangay ng Sta. Lourdes . Sinaksihan din ito ng 150 bikers na binubuo ng mga kasapi mula sa Palawan Adventist Hospital, 570th CTW, Navforwest, WESCOM, PNP at ilang mga pribadong grupo.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |