CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 6 (PIA) --- Pangungunahan mismo ng hepe ng Criminal Investigation and Detection Group ang ground-breaking ceremony ng itatayong piitan dito sa lungsod bukas.
Pangungunahan din ni Gen. Samuel Pagdilao, Jr., director ng CIDG, ngayong hapon ang oath taking ceremonies ng mga bagong miyembro ng Community Investigative Support (CIS) na mga boluntaryong sibilyan ang mga kasapi nito.
Si Pagdilao ay nasa lungsod ngayon para sa tatlong araw na working visit. Personal niyang pupulungin ang mga tauhan ng CIDG sa lungsod at lalawigan upang alamin ang kanilang aktibidad at kalagayan.
Makikiisa rin sya sa nakatakdang pagtatanim ng mga puno sa Sitio Magarwak, barangay Bacungan na isa ring aktibidad ng CIDG para sa pangangalaga ng kalikasan. (LBR/OCJ/PIA4B-Palawan)
ni Orlan C Jabagat
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |