CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Aug. 4 CIO - Malaking kita at dagdag sa kabuhayan ang dala ng pag-aalaga ng kalabaw. Ito ang ikinakampanya ngayon ng Office of the City Veterinarian sa mga magsasaka at magbubukid sa lungsod.
Ayon sa pagsasaliksik ng City Vet, sa kabuoang pangangailangan ng sariwang gatas sa lungsod halos apat na porsiyento lamang ang natutugunan ng magsasakang may alagang kalabaw sa lungsod sa kabila ng malaking market nito sa lungsod. Sa pagtaya ng City Vet, maaring kumita ng 400 hanggang 800 piso bawat araw sa sariwang gatas ng kalabaw.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng artificial insemination sa kalabaw at baka ng City Vet upang masigurong patuloy na nagbubuntis, dadami at lalong gaganda ang lahi ng baka at kalabaw. Paghahanda ito sa panahong kakayanin ng tugunan ng mga magsasaka ng lungsod ang malaking pangangailangan ng sariwang gatas at karne.
Para sa schedule ng artificial insemination sa barangay, makipag-ugnayan lamang sa inyong barangay kapitan upang higit na mapakinabangan ang serbisyong hatid ng Office of the City Veterinarian.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |