CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Hinamon ni Vice Mayor Lucilo R. Bayron ang City Nutrition Council gayon din ang City Nutrition Division na harapin ang lahat ng hadlang upang magtagumpay ang programa ng nutrisyon sa lungsod. Partikular dito ang tuluyang maibaba ang bilang ng mga batang anim na taon pababa na kulang sa timbang at maisapuso ng mga magulang ang kanilang responsibilidad na siguruhing malusog ang mga anak. Ito ang mensahe ng bise alkalde sa pagbubukas ng ika 38th Nutrition Month Celebration ngayong buwan ng Hulyo.
“ Hindi lamang ang pamahalaan ang may responsibilidad sa kalusugan ng mga bata, maging ang mga magulang ay may obligasyon ding siguruhing lalaking malusog ang kanilang mga anak” dagdag pa ni Bayron. Ito ay bunsod ng bahagyang pagtaas ng bilang ng kabataan mula malnourished sa normal weight, sa kabila ng isinasagawang food supplementation at feeding program ng City Nutrition. Maliban pa ang supplemental feeding mula sa ngo’s.
Iminungahi din ni Vice Mayor Bayron, na maliban sa mga bata ay tutukan din ang magulang ng mga batang malnourished dahil maaring sila ang dahilan sa mabagal na pagtaas ng timbang ng kanilang anak. Bigyan sila ng sapat na kaalaman sa tama at masustansiyang paghahanda ng pagkain, tamang pangangalaga sa anak at maayos na pagpa-prayoridad sa kalusugan ng mga bata. Dahil naniniwala siyang upang maging matagumpay ang City Nutrition Council sa adhikain nitong wala ng malnourished children sa lungsod ay kailangan ang CNC at mga magulang ay maging magkatuwang sa programang ito.(maya estiandan)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |