CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Oct. 04 CIO - “MEDYO MATAAS ANG EXPECTATION NAMIN SA IYO,” ITO ANG TINURAN NI MAYOR LUCILO R. BAYRON SA BAGONG TALAGANG OFFICER-IN-CHARGE NG CITY TOURISM OFFICE, NA SI SUPERVISING TOURISM OPERATIONS OFFICER, MS. MELINDA SJ MOHAMAD, SA GINANAP NA TURN-OVER CEREMONY NOONG IKA-2 NG OKTUBRE, 2013.
INAASAHAN NG ALKALDE ANG MATAPAT AT MATAAS NA KALIDAD NA SERBISYO SA ITINALAGANG OIC NG NASABING OPISINA SA LALO PANG PAG-UNLAD NG SEKTOR NG TURISMO SA LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA.
TAUS-PUSONG PASASALAMAT NAMAN ANG BINIGKAS NI OUTGOING CITY TOURISM OFFICER MS. REBECCA LABIT SA PUNONG LUNGSOD SA SUPORTA AT PAGTITIWALANG IPINAGKALOOB SA CITY TOURISM OFFICE.
SI MS. LABIT AY NAKATAKDANG MAG-REPORT SA KAMAYNILAAN SA OKTUBRE 3, 2013 BILANG BAGONG REGIONAL DIRECTOR NG DEPARTMENT OF TOURISM (DOT) SA REHIYON APAT, NG TIMOG KATAGALUGAN (SOUTHERN TAGALOG) AT MIMAROPA.
NAGING PANAUHIN DIN SA OKASYON, SINA KONSEHAL MATTHEW MENDOZA AT KONSEHAL ELEUTHERIUS EDUALINO CHAIRMAN AT VICE CHAIRMAN NG COMMITTEE ON TOURISM. GANUNDIN SINA KONSEHAL, ROGELIO CASTRO, MODESTO RODRIGUEZ III, MIGUEL CUADERNO AT KONSEHALA VICKY DE GUZMAN.
MALIBAN SA MGA TAUHAN NG CITY TOURISM OFFICE DUMALO DIN SA TURN-OVER CEREMONY ANG ILANG KASAPI NG MEDIA SA LUNGSOD AT LALAWIGAN.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |