CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City,January20(CIO) - 32 hepe ng mga istasyon ng Radyo ng Bayan ang nakatakdang dumating sa Puerto Princesa para sa taunang Managers Conference na gaganapin sa Pebrero 18 hanggang 22, 2013. Sila ay galing sa iba’t-ibang lalawigan ng Pilipinas mula Batanes hanggang Tawi-tawi. Kasama rin nila ang 60 puno ng mga departamento kabilang na ang Director ng Philippine Bureau of Broadcast Services na si G. Tito G. Cruz. Inaasahan din na dadalo ang ilang mga kinatawan mula sa Presidential Communication Operations Office.
 
Sa pulong na ito nila babalangkasin ang mga mahahalagang aspeto ng kagawaran para sa taong 2013. Ayon kay Bb. Goody Sarsagat, Acting Station Manager ng Radyo ng Bayan-Palawan, napili ng Puerto Princesa na pagdausan ng pulong dahil sa napapabalitang mainit na pagtanggap ng mga mamamayan dito sa mga panauhin, bukod pa sa akmang lugar ito para sa pulong dahil sa berdeng kapaligiran. Nais din nilang marating ang pamosong Underground River at maranasan ang kamangha-manghang kagandahan ng kuweba.
 
Lubos naman ang katuwaan ni Mayor Edward S. Hagedorn sa pagkakapili ng mga sa lungsod ng pamunuan ng PBBS,dahil malaki ang maitutulong nila sa promosyon ng turismo.(amie bonales)

Article Type: