CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Oct. 2 CIO - Pinasinayaan noong Setyembre 27, 2013 ang inayos na Shallow Well at Concrete Pathway sa Purok Maunlad , Barangay Sta. Monica , Puerto Princesa City.  Naging panauhing pandangal si Mayor Lucilo R. Bayron kasama si City Information Officer Henry A. Gadiano.  Sinaksihan ang gawain ng mga opisyales ng barangay at purok kabilang ang mga naninirahan dito.

Hiniling ni CIO Gadiano sa mga umiigib na ingatan ang proyekto sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga punong kahoy sa kapaligiran na malaki aniya ang naitutulong upang masustento ang  tubig sa balon.

Sa talumpati naman ni Mayor Bayron, kanyang pinasalamatan ang lahat na nagkaisa upang maisakatuparan ang pagpapaganda ng pasilidades ng balon.  Ipinangako niya na gagawin pa ang mga karugtong na mga daanan patungo dito at maglalagay din ng pailaw upang maging ligtas ang kapaligiran sa mga umiigib sa gabi.

Ang balon ay may tinatayang lalim na apat na metro.    Upang makapagserbisyo pa sa nakararami ,nilagyan ng dalawang tubo sa bandang itaas na bahagi kung saan walang tigil ang daloy ng sariwa at malinis na inuming tubig.  Dito kumukuha ang halos lahat   na mga naninirahan  lalo na yaong mga malalapit sa tabi ng dagat.

Ang pag-aayos ng nasabing balon ay isa sa mga proyekto ni Mayor Bayron sa ilalim  ng programang Bayanihan sa Barangay . Ang mga materyales na ginamit dito ay mula sa pamahalaan habang ang trabaho at iba pang ambag ay mula naman sa mga mamamayan.  Layunin ng programa na mapanatili ang kilalang kaugalian ng mga Pilipino na “Bayanihan” kung saan sama-sama, tulong-tulong ang bawat isa para sa kagandahan o pagsulong ng isang komunidad.(amy)

Article Type: 
Categories: