CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa City, Aug. 7, 2012 (CIO) - Hiniling ng Barangay Inagawan sa Sangguniang Panlungsod na ipangalan kay San Ezekiel Moreno ang main road ng nasabing barangay. Sa ipinadalang liham ni Punong Barangay Ariel R. Lacao kay City Secretary Samson Negosa, nakapaloob dito ang Bgy. Resolution no.47-12 series of 2012, na kung saan hinihiling ang pagpapalit ng pangalan ng kanilang main road at gawin itong San Ezekiel Moreno street. Ang paglalagay ng pangalan ni San Ezekiel Moreno ay naglalayong manatili sa kaisipan ng mamamayan ng Inagawan na minsan ay naglingkod sa kanila bilang Chief Missionary at Military Chaplain sa Inagawan Penal Colony noong taong 1872. Si San Ezekiel Moreno ay ipinanganak noong Abril 9, 1848 sa Alfaro La Rioja, Spain. Siya ay pumasok sa pagiging pari noong Septiembre 22, 1868 at dumating sa kamaynilaan para sa kanyang misyon noong Pebrero 10, 1870. Naordinahan si St. Ezekiel bilang ganap na pari noong Hunyo 2, 1871 ni Archbishop Gregorio Meliton Martinez ng Maynila. Noong Pebrero 1872 siya ay pinadala bilang Chief Missionary sa dating Bario Inagawan at bayan ng Aborlan. Sa kanyang paglilingkod, ibinahagi ni St. Ezekiel ang kanyang panahon sa pagtulong sa kapwa lalo na ang mga mahihirap na may sakit. Dahil na rin sa dedikasyon, debosyon, kabanalan at mga testimonyang himala na nagawa ni San Ezekiel, ito ay na beatified ni Pope Paul VI sa St Peter Square noong 1975. Pormal namang itinalaga bilang Santo si Ezekiel Moreno ni Pope Jonh Paul II noong Oktubre 11, 1992. (Edwin Rada)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |