CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa City, December 11, 2012 (CIO) - Muli na naming ginawaran ng pagkilala ang Puerto Princesa Subterranean River National Park mula saRamsar Convention .Nasa listahan na ito bilang ika-2,084 sa Wetlands of International Importance sa buong mundo. Iginawad ang nasabing sertipikong pagkilala sa isang inagurasyon na ginanap nitong ika-4 ng Disyembre 2012 sa mismong lugar ng Underground River. Kasabay nito ang paghahawing tabing ng “marker” na kumikilala sa kahalagahan ng ilog sa “biodiversity” ng kapaligiran.
Dinaluhan ang okasyon nina Undesecretary Ernesto Adobo Jr. bilang kinatawan ni DENR Secretary Ramon Paje, MIMAROPA Regional Executive Director Edgardo Galeon, ASEC Nelson Devanaderang PAWB at ilan pang bisita mula sa national media at kawaning DENR. Mainit silang sinalubong nina Mayor Edward S. Hagedorn, PENRO Juan de la Cruz, CENRO Emer Garraez, City-ENRO Atty. RegidorTulali, PPUR Park Superintendent James Albert Mendoza, miyembro ng local na PAMB at mga pinunong tanggapan ng nasyonal na may sangay sa lungsod.
Sa talumpati ni DENR Paje na binasa ni USEC Adobo, isang pagbati ang kanyang ipinaabot para sa mga taga-Puerto Princesa. Kinilala niya ang “political will” ni Mayor Hagedorn upang maigting na na ipapatupad ng mga mahigpit na polisiya at mga malinaw napanuntuan sa pangangalaga ng kapaligiran. Isinusuong rin ng Kalihim ang pagbabawas ng mga gawaing may masamang epekto na di-angkop sa PPUR. Ayon pa rin sa kanya, bumabalangkas ngayon ang DENR ng isang modelo para sa eco-tourism na kung saan ang PPUR ang isa sa mga napiling lugar dahil sa kakikitaan ito ng mayamang uri ng mga tanim at buhay- ilang.
Magkahintulad ang buod ng mensahe ni Sec. Paje at RAMSAR Secretary General Anada Tiega na naipaalam naman sa lahat sa pamamagitan ng video clip. Kanya binate ang mga taga Puerto Princesa sa pagpakita sa buong mundo ng marubdob na pangangalaga sa kalikasan. Binigyang pansin din niya ang konserbasyon dito upang mapanatili ang balanseng “biodiversity”.Aniya “nasa inyong mga kamay ang buhay ng mga latian at iba pang anyo ng tubig. Pagyamanin ito at ikarangal ninyo ang pag-aalaga dito”
Buong kababaang-loob na tinanggap ni Mayor Hagedorn ang pagkilala ng DENR at RAMSAR Convention. Ipinagmalaki niya na ang tagumpay na ito ay hindi mangyayari kung walang pakikiisa ang mga taga-Puerto Princesa, na siya naming taos pusong pinasalamatan at hinandugan ng bagong karangalan. (Amie Bonales)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |