CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, July 19(CIO) - Limampung bangkero ng Puerto Princesa Underground River ang sasailalim ng isang linggong emergency and rescue training mula sa Elite Rescue Team ng Philippine Coast Guard. Nakatakdang ganapin ang pagsasanay mula 24-30 ng Hulyo sa lungsod.
Ang training ay napapanahon upang maging handa ang mga bankero sa lahat ng insidente lalo na sa panahong maraming turista sa lungsod. Papalooban ng lecture, situation simulation, pag-aaral ng anatomy at physiology, rescue ethics, rappelling and navigation, disaster and incident communication, survival seminar at swimming ang isang linggong in-house training.
Ayon kay City Tourism Officer Rebecca Labit, ang training ay para bigyan ng karagdagang skills ang mga bangkero, upang mas maging kompiyansa sa pakikitungo sa mga bisita lokal man o dayuhan. Importanteng magkaroon ng sapat na tiwala sa sarili ang mga ito upang magampanan ng maayos ang kanilang tungkulin.
Maliban sa mga bangkero, sasailalim din sa training ang SOG, KAAC, TOPCOP, City Health at City Tourism Office staff, bilang mga tourism frontliners. (Maya Estiandan)

Article Type: 
Categories: