CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, July 20, 2012 (CIO) - Inaasahang mahigit sa pitong daan na Real Estate Broker mula sa ibat-ibang panig ng bansa ang dadalo para sa gagawing PHILIPPINE ASSOCIATION OF REAL ESTATE BROKER o (PAREB ) National Convention dito sa Lungsod ng Puerto Princesa sa darating na Oktubre 11-13 2012. Ayon kay Jun Valencia, Pangulo ng Pareb-Palawan, isang magandang opurtunidad ito sa lahat ng nagnanais na maging legal na ahente sa pagbebenta ng lupa. Ang national convention ay magbibigay daan din para makita ng personal ng mga brokers ang kagandahan ng Puerto Princesa partikukar ang tinuturing na one of the new 7 wonders of nature, ang Underground River . Ang mga brokers na darating ay pwedeng maipromote ang real estate boom ng lungsod at makapag attract pa ng karagdagang mga investors. Kaugnay nito, katatapos lamang ang dalawang araw na seminar workshop noong July 14-15, 2012 na ibinigay ng PAREB National para sa Accreditation ng mga nagnanais na maging Sales Persons. Idinagdag pa ni Valencia na kinakailangan na bawat sales agent partikular sa bentahan ng lupa , beaches , house and lot atbp dito sa lungsod at lalawigan ay may lisensiya o accreditation na nagmumula sa PAREB . Alinsunod na rin sa RESA Law. (Edwin Rada)

Article Type: 
Categories: