CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Oct. 07 CIO - Sinisimulan na ang paghahanda para sa seguridad at katahimikan sa pag-gunita ng undas sa lungsod ngayon a-uno ng nobyembre. Sa pagpupulong nitong biyernes siniguro ng City PNP ang police visibility sa buong paligid ng city cemetery. Maglalagay ng police assistant desk sa gate ng sementeryo. Bilang karagdagang security measure, ipagbabawal ang pagdadala ng inuming nakalalasing at matutulis na bagay na maaring gamitin upang makasakit. Kakap-kapan ang bawat papasok sa sementeryo upang masigurong masusunod ang patakaran ng pulis.
Upang masigurong ligtas ang kalusugan ng mga bibisita sa undas, maglalagay din ng first aide booth ang City Health Office na agarang re-responde sa
Samantala, bahagyang mababago ang daloy ng trapiko sa ilang kalsadang nakapaligid sa city cemetery. Mula kanto ng Bonifacio/A. Abueg Sr. road at Bonifacio/Mabini ay isasara upang maluwag sa mga papasok ng city cemetery. Maliban dito ang mga kalsadang nasa paligid nito ay bukas sa mga sasakyan. May nakatalagang trafiic enforcers sa bawat kanto upang tumulong sa pagsasa-ayos ng daloy ng trapiko.
Isang lingo bago ang undas ay magsisimula na ang Oplan Linis sa paglilinis sa loob at labas ng sementeryo. Sa mismong araw ng undas ay iikot ang oplan linis upang panatilihing malinis ang paligid nito, kasabay ang paala-alang ipatutupad ng oplan linis program ang batas sa pagbabawal ng pagkakalat sa loob at labas ng sementeryo. Mas makabubuting ang bawat isa ay maging maalam tungkol dito.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |