CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Oct.22 CIO - “ Ang mga bagong baril na ito ay isang pagpapatunay na ang Pamahalaang Lungsod ay patuloy sa pagbibigay ng suporta at matiyak ang kaligtasan sa anumang kapahamakan ng bawat mamamayan dito sa lungsod ng Puerto Prinsesa. “
Ito ang tinuran ni Punong Lungsod Lucilo R. Bayron sa kanyang mensahe na ibinigay noong October 15, 2013 kaugnay say turn over ceremony ng mayroong bagong 50 pistol caliber 9mm Glock 17 sa pamunuan ng Puerto Princesa City Police Office. Ayon kay Mayor Bayron, dapat lamang bigyang pansin ang seguridad ng ating residente partikular mga lokal at banyagang turista na nagtutungo dito sa Lungsod.
Ang nasabing turn over ceremony ay sinaksihan din ni PCSUPT. Melito M. Mabilin, Regional Director PRO MIMAROPA, assisted by PSUPT. Juan G. Anonuevo, OIC Regional Logistic Division. Hinikayat naman ni Regional Director Mabilin ang kapulisan ng lungsod na paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad, ang mga bagong baril ay isang hakbang para lalo pang sipagin sa paglilingkod. Malaking bagay ang pagkakaroon nito para mapanatili ang kaayusan at maprotektahan ang taong bayan maging ang sariling kapakanan kung magkaroon man ng encounter sa mga kriminal o lumalabag sa batas.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |