CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Sept.24 CIO - Dalawang magkakasunod na operasyon ng bantay dagat, kasama ang City Philippine National Police noong ika-8 ng Setyembre, 2013 ang nakahuli ng dalawang bangkang mangingisda sa karagatang sakop ng barangay kamuning ng lungsod ng puerto princesa.

 

Unang nahuli ng grupo ang bangkang Girly na pag-aari ni Edgar Almojela. Sumunod na nasakote ang bangkang Johnlyn ng may-aring si Ariel Barrun.

 

Ang dalawang bangka ay huli sa aktong nangunguha ng mga yamang dagat sa paraang pagko-compressor.

 

Ang 2 bangka ay lumabag sa City Ordinance no. 291-2005, ang banning in the use of compressor.

 

Sina retired Police Superintendent Alejo Acosta, project director ng bantay dagat, kasama sina PO2 Romeo Saldajeno at Luisito Garcia, ang grupong nakahuli ng nasabing mga nag-i-ilegal fishing na mga bangka.

 

Hangad ng pamunuan ng pamahalaang lungsod ng puerto princesa sa pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron na mabantayan ang mga karagatan ng syudad laban sa mga gumagawa ng paglabag sa batas.(rky obligar)

 

Article Type: 
Categories: