CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa City, Aug. 3, 2012 (CIO) - Hiniling ng Sangguniang Panlungsod sa pamunuan ng Palawan Electric Cooperative o PALECO ang karagdagang bilang ng kinatawan ng Lungsod sa Board of Directors ng nasabing kooperatiba base sa dami ng miyembro. Ang resolusyon bilang 295-12 na iniakda ni Konsehal Vicky de Guzman at nagkakaisang pinagtibay ng konseho sa kanilang nakaraang sesyon , ay naglalayon na madagdagan ng lima ang magiging kinatawan ng Lungsod ng Puerto Princesa sa loob ng PALECO Board of Directors . Sa kasalukuyan, tatlo lamang ang kinatawan ng lungsod samantalang anim naman ang kumakatawan sa mga munisipyo ng lalawigan para sa kabuang nine seats ng nasabing board. Ang tatlong direktor ayon kay de Guzman ay hindi sasapat kung ang ikukunsidera ay ang equitable distribution of representation dahilan sa mas higit na nakakarami ang gumagamit ng kuryente dito sa lunsod, katunayan ay sinu subsidized ng mga kamay-ari mula sa Puerto Princesa ang kalugian ng kooperatiba mula sa mga munisipyo. . Samantala, ayon naman sa pamunuan ng PALECO, pag aaralan nila ang kahilingan ng Sangguniang Panlungsod para sa karagdagang limang direktor.(Edwin Rada)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |