CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, May 26 CIO - Tinanghal na Ginoong Puerto Princesa si Cassius Lee Calas ng Barangay San Jose sa gabi ng grand coronation na ginanap sa Mendoza Park noong may 21, 2014.

 

Pinili ang final 5 pagkatapos ng swimwear at formal wear competition at casual interview ng 12 mga official candidates ng host na si Ms. Puerto 2013 Beverly Joyce Blanco.

 

Nagwagi ang business student ng Palawan State University matapos ang question and answer portion kung saan kanyang sinagot ang tanong na, “kung ikaw ang mananalong ginoong puerto princesa 2014 paano ka magiging epektibo sa titulo”? Kanyang sinagot na, magiging huwaran siya ng kapwa kabataan. Makikilahok sa mga gawaing pang-kalikasan tulad ng pista y ang kagueban, love affair with nature at oplan linis at magiging responsableng mamamayan.

 

Aniya, isusulong niya ang waste segregation upang mabawasan ang polusyon sa hangin. Dapat tayong maging responsable sa ating pagkilos at isipin ang kapakanan ng susunod na mga saling-lahi. 

 

Panalo ring mr top model, mr camella homes at best in formal wear ang labingwalong taong gulang na binatilyo.

 

Si Dan Mark Inductivo ng Bgy. Masikap ang nanalong Ginoong Kalikasan 2014 ganundin ang mr photogenic, best in talent at mr las suerte travel and tours.

 

Nagwagi namang Ginoong Turismo 2014 si Roselan Mark Limco ng Bgy. Sicsican at pinagkalooban din ng  titulong Mr. Texter’s Choice ang dalawampung taong gulang na binatilyo.

 

1st runner-up at best in swimwear si Edrian Bungon ng Bgy. Luzviminda at 2nd runner-up si Jonathan Jared Ignacio ng Bgy. Maunlad.

 

Panalo namang Mr. Congeniality si Peter John Anilbang ng Bgy. Tiniguiban at Mr. Palo Alto si Eugene Cadena ng Bgy. Sta. Monica.

 

Ang bumuo sa 12 candidates ay sina, Hector Herrera ng bgy. Masipag; Brenton Tan, Jr ng Bgy.

Bancao-bancao; Clent Bastistiana ng Bgy. San Pedro; Julius de Vera ng Bgy. San Miguel at Carlo Esporas ng Bgy. Bagong Pag-asa.

 

Ang Ginoong Puerto 2014 ay bahagi ng 10th Pangalipay sa Baybay 2014 at handog ni Mayor Lucilo R. Bayron, Sangguniang Panlungsod at Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.

 

 

Article Type: 
Categories: