CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Oct.04 CIO - UMAABOT SA LIMAMPU ANG BILANG NG OPERATION FUNCTIONS ANG NAISAGAWA NG GRUPO NG KAAC O KILOS AGAD ACTION CENTER SA LOOB LAMANG NG APAT NA ARAW NA OPERASYON NITO NGAYONG BUWAN NG OKTUBRE 1-4 2013.
SA ISINUMITENG PATIENTS ASSESSMENT REPORT SA TANGGAPAN NG IMPORMASYON NG LUNGSOD NI JOHN ANDREW M. RUSSEL. PROJECT MANAGER NG KAAC, SA BILANG NA ITO, TATLUMPUT DALAWA ANG EMERGENCY CASES WITH TRANSPORT MOBILITY , AT LABING WALO NAMAN ANG NON- EMERGENCY TRANSPORT MULA SA AMBULANCE NILA NA KINASANGKUTAN NG MGA PASYENTENG HIRAP SA PAGHINGA, PAGKAHILO , PAG TAAS NG PRESYON NG DUGO, PREGNANCY RELATED CASES AT HOSPITAL TRANSFER . KASAMA DIN ANG PAGTUGON NG KAAC SA CLEARING OPERATION NG TATLONG NAKAHAMBALANG NA MALALAKING PUNO SA GITNA NG KALSADA SA TATLONG BARANGAY NG STA. MONICA, SAN MANUEL AT MANALO NUNG BUWANG AGOSTO. . AYON KAY KAAC MANAGER RUSSEL, ANUMANG ORAS SILA AY LAGING GISING AT TUMUTUGON SA PANGANGAILANGAN SA LOOB NG BEINTE KUWATRO ORAS (24/7) ITO AY ALINSUNOD NA RIN SA ADHIKAIN NI PUNONG LUNGSOD LUCILO R. BAYRON, NA DAPAT AKSIYUNAN KAAGAD ANG LAHAT NG MGA KARAINGAN AT PROBLEMA NG ATING KABABAYAN BILANG TUGON SA APURADONG ADMINISTRASYON.
SAMANTALA, KAUGNAY NITO, NAGSUMITE NAMAN NG ACCOMPLISHMENT REPORT ANG GRUPO NG NIGHT PATROL SA TANGGAPAN NG PUNONG LUNGSOD LUCILO R. BAYRON. ANG PERIOD OF OPERATION NILA AY MULA NOONG JULY 27- AUGUST 19, 2013. AYON KAY NIGHT PATROL PROGRAM MANAGER RAQUITO T. LAMPA, UMAABOT SA DALAWAMPUT-DALAWANG IBAT-IBANG KASO NA KANILANG NIRESPONDIHAN DITO SA LUNGSOD. ITO AY KINABIBILANGAN NG ILLEGAL POSSESSION OF FIREARM, MAULING INCIDENT, ROBBERY, CARNAPPING, STABBING, THEFT, PUBLIC SCANDAL GRAVE THREAT AT VEHICULAR ACCIDENT. ANG GRUPO NILA ANG RESPONSABLE PARA SA PAGKAKAHULI NG MGA SUSPEK, PAGPIGIL SA KRIMEN AT MABIGYAN NG AYUDA O TULONG SA PANAHON NG SAKUNA O MADALA SA CONCERNED AGENCY TULAD NG KAAC, HOSPITAL AT CITY PNP. IDINAGDAG PA NI MANAGER LAMPA NA PATULOY ANG KANILANG ISINASAGAWANG ROVING PATROL, UGNAYAN SA MGA BGY. TANOD AT MONITORING SA MGA PANGUNAHING KALSADA AT MAGING SA MALALAYUNG BARANGAY NG LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |